12

20.6K 602 39
                                    

End Call

Kamila

Dalawang araw matapos ang pangyayaring iyon, natagpuan ko ang sarili ko na nakatingin sa mga delivery boys.

Oo, delivery boys. With s. As in plural.

Ang dami nila, nakakawindang talaga. Nagising lang ako kaninang mga alas siyete dahil sa malakas na malakas na doorbell. Nataranta nga ako e, kasi wala akong kaalam-alam na may doorbell pala ang walang hiyang suite.

Ang buong akala ko lang dito sa lugar na ito, kapag wala kang special ID, hindi ka makakapasok sa elevator. Tapos bigla maririnig ko, may doorbell naman pala para hindi basta-basta makapasok ang ibang tao.

Nagkumahog akong pagbuksan kung sino man ang kanina pang doorbell ng doorbell at ang tumambad nga sa akin ay sandamakmak na delivery boys. May mga hawak silang malalaking karton.

"Miss Kamila Jovie Chavez?" tanong nung isa pagkatapos ko silang sipatin mula ulo hanggang paa.

"Ako nga po." alangan kong sagot.

"Deliveries po ma'am." pagkatapos ay binigyan niya ako ng voucher para permahan.

Habang nilalagdaan ko yung papel na binigay niya saken, yung mga mata ko ay nakapako sa kanilang lahat na kanya-kanyang nagbukas ng dala-dala nilang karton.

"Ma'am, saan po ito ilalagay?" saad nung naunang delivery boy.

"Ano ho yan?"

Itinuro niya ang isang malaking Panasonic plasma TV na siguro ay nasa 152 inches. Nanlaki ang mga mata ko. Talbog nito ang plasma TV ni Ruzz na siguro ay nasa 110 inches lang. Lang, oo lang!?

Nilibot ko ng paningin sa paligid. Wala pa akong nakikitang perpektong lugar nang biglang may nagtanong ulit.

"Ma'am? San ho ito ilalagay?"

Bumaling ang atensiyon ko sa gawi niya.

"Ano yan?"

"Eto hong basketball arcade?"

"Basketball arcade!?" halos pahiyaw kong turan.

Ano namang gagawin ni Rio sa mga to? San ba iyon ipupwesto, ano ba naman yan! Mas maraming lilinisin.

"Ah, ma'am. Pasensiya na pero itong, boxing arcade?"

"Ma'am, eh ito pong para sa car race?"

"Ma'am yung sa dance arcade?"

Habang nagsasalita sila ay unti-unting lumilipat ang tingin ko sa bawat isa. Nahihilo na ako at natitiyak ko na konting-konti na lang masisigawan ko na sila. Ganun kasi talaga ako. At wala akong magagawa doon.

Ay meron pala akong magagawa.

Itinaas ko ang isa kong kamay, "Hep." mahina kong saad.

Lahat naman sila ay nanahimik. Ngumiti ako at muling itinaas ang isang daliri.

"May tatawagan lang ako ha."

Nilapitan ko ang telepono at idi-nial ang code 1. Dito ko raw kasi makokontak si Rio ng mismong siya ang sasagot at hindi ang secretary niya. Simula nang dumating ako dito, magdadalawang linggo na ang nakararaan, ngayon ko lang ito gagamitin.

At hindi ako sigurado kung sasagot ang bipolar na iyon.

Isang ring lang ang itinagal bago nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Bakit?" malamig na naman ang pagkakatanong niya. Boses naistorbo.

"Excuse me, nakakaistorbo po ba ako?" tanong ko.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon