Friendship goalsKamila
Tumawag si Rio pagdaka at sinabihan niya si Giana na bumalik na sa office dahil marami daw siyang ipapagawa. Ako naman, iniwan niya na lang ako sa cafeteria na mag-isa. Pakiramdam ko tuloy ay para akong batang iniwan ng magulang sa magulong mall at hindi ko na alam kung saan ako sunod na pupunta. Sa huli ay nanatili na lang ako doon naghihintay na may dumating na magandang ideya sa anong pwede kong gawin.
Mamaya pa naman ako maglilinis sa owner's floor kaya nagpasya na lang ako na bumalik sa suite. Maghahanda na lang ako ng tanghalian ni Rio total malapit na lang din naman ang tanghalian.
Pag-akyat ko, tinungo ko ang kusina upang maghanap ng pwedeng lutuin.
"Hmm, ano kayang masarap na pagkain para sa kanya?" kausap ko sa sarili. Napahawak pa ako sa baba ko dahil nag-iisip akong mabuti.
Dagli ang pagpitik ng kamay ko sa hangin nang minsan ay maalala ko yung niluto ko na talagang nilantakan niya noon.
Ang pigar-pigar!
Binuksan ko ang fridge para kumuha ng karne ngunit wala akong nakitang beef kaya nagpasya muna akong mamalengke. Wala naman siyang ibinigay na pera pero gagamitin ko na lang muna iyong natatago ko total ay wala naman akong pag-aaksayahan nito.
Bumaba ako sa ground floor para maghanap ng taxi pero nasa harap ko na agad si kuya driver/model.
"Miss Kami, aalis kayo?" takang tanong niya.
Tumango ako bago nagsalita. "Kailangan ko kasing mamalengke ng pagkain ni Sir. Pwede mo ba akong samahan?" pakiusap ko sa kanya. Naisip ko din, libre kasi, hindi na ako mamamasahe at mas mapapabilis pa ang lakad ko.
"Oo, sure. Wala namang lakad si Boss ngayon e." natatawa niyang turan.
Binuksan ko ang pintuan at sumakay saka niya naman pinaharurot palayo yung sasakyan.
"Ano nga ulit yung pangalan mo?" tanong ko noong nakaalpas na kami sa Empire square.
"Ah, Kier nga po pala, at your serbis." saad niya sabay saludo sa gawi ko. Natatawang ibinalik ko ang tingin sa kalsada. Ang swerte naman, first day at may mga kaibigan na ako. Una si Giana, ngayon naman si Kier.
"At syempre ikaw si Miss Kami. Ang prinsesang katulong." saad niya sabay hagalpak ng tawa.
Kumunot ang noo ko.
"Anong meaning?" pairap kong saad. Hindi naman ako nagpapaka-prinsesa ah. Ginagawa ko naman ang trabaho ko.
"Ikaw lang yata ang katulong na hatid-sundo ng kotse ng boss."
Tumaas ang kilay ko. Oo nga no? Parang nagpapaimportante naman yata ako.
"Di bale, hindi na mauulit."
"Ay hindi! Loko lang yun, sinsitib niyo naman!" kumindat pa ang loko na parang tuwang-tuwa siya sa mga pinagsasabi niya.
Dumating kami sa malaking shopping mall saka dumire-diretso papunta sa meat corner. Hinanap ko ang pinakasariwang karne at binili iyon.
Pauwi na kami ng maisipan ni Kier na magsalita.
"Ang swerte naman ni Bossing, may tagapagluto na ngayon."
Nilingon ko siya pero nakatingin siya sa labas kaya di ko mabasa ang nais niyang sabihin.
"Gusto mong huminge?" wala sa sariling tanong ko.
Bigla siyang humarap sa akin at ngumiti ng abot tenga. Kumislap ang kanyang mga mata at kung hindi lang siguro siya nagmamaneho ay baka pinagsalikop niya ang kanyang mga palad na parang nagdadasal.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
Fiksi UmumHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...