Dark
Kamila
"You disappeared from my fucking life!" he roared.
Ni hindi ko maproseso kung anong nais niyang sabihin. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Hahayaan ko ba ang sarili ko na umasa at sa huli ay masaktan lang? Ano bang gusto niyang iparating? Na natatakot siya na muli akong mawala? Yun ba yun?
"Ano, wala ka man lang sasabihin?" nanghihina niyang saad. He was staring expectantly at me pero kahit anong pilit ko, hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari.
"Ano bang gusto mong sabihin ko?" nagtataka kong tanong. As much as possible, I don't want to assume anything. Kapag assumera ka kasi, isa lang ang tinutumbok mong daan, at yun ay katangahan.
Bumalik ang bangis sa paningin niya. His fingers were now digging into my arms and he was desperately trying to force his poker face.
"Nothing then." mahina niyang saad. I saw how he wiped his face from all emotions. At gusto kong haplusin ang mukhang iyon para lang ibalik ang dati. Yung Rio ko noon na malambing, maamo ang mata, pag tumatawa may maliliit na biloy sa malapit sa bibig. That easy-going and carefree man.
Pinakawalan niya ako at tumalikod na sa akin. For some reason, I missed his touch on my skin. Gusto kong ipaintindi niya kung anong gusto niyang mangyari. Gusto kong alamin kung ano ba talagang meron sa aming dalawa.
"Rio," tawag ko sa kanya.
Hindi siya lumingon. Tumungo lang siya, nagmulsa at naghintay ng sasabihin ko.
Tumikhim ako. This is it. Aalamin ko na kung ano ba talaga ang plano niya sa akin. Sa aming dalawa.
"What do you want from me?" bulong ko. Hinintay kong sumagot siya pero nanatili siyang tahimik. Kung isasara ko ang mga mata ko ay malamang iisipin ko na mag-isa lang ako at kinakausap ang sarili.
Biglang bumilis ang tahip ng puso ko. Sa hindi malamang dahilan, nararamdaman ko na may magaganap ngayon. Sa araw mismong ito. Dito magbabago ang lahat para sa amin.
"Rio.." tawag ko ulit sa kanya.
Pinilig niya ang ulo at unti-unting lumingon sa gawi ko. His eyes were devoid of anything kaya mas lalo akong kinabahan.
"Ano ba sa tingin mo ang kailangan ko sayo Kamila?" he stated coldly. Nakatingin siya sa mga mata ko pero wala akong mabasa mula roon. It's like looking at a statue, akala mo buhay pero patay naman pala.
Kumunot ang noo ko. Hanggang ngayon ba, nasa maze pa rin kami? Roller coaster pa rin? Puro uncertainty na lang ba talaga ang meron para sa aming dalawa?
"No, you tell me. Sawang-sawa na ako sa mga nangyayari dito Rio Gabriel. Sabihin mo sa akin kung ano ba talagang balak mo sa akin para naman handa ako." mahaba kong litanya sa kanya.
I really, really wanted to know.
He smirked.
"Really Kamila, hanggang ngayon hindi mo pa alam?" may halong panunuya sa tono niya kaya nairita ako. He's going at it the wrong way. I can practically see him veering on the wrong freaking way!
"Kaya nga sabi kong sabihin mo sa akin diba? Kasi naguguluhan ako! You're sending all this mixed signals na hindi ko na alam kung anong iisipin!" singhal ko sa kanya.
Napahawak ako sa sandalan ng sofa para makahingi ng kaunting lakas. Habol ang hininga ko na parang kagagaling ko pa lang sa isang marathon.
"Okay then, you want the truth, I'll give you the truth. But first, sagutin mo muna lahat ng tanong ko. And when I say you answer me, I mean, you answer me with all honesty that you can muster. Naiintindihan mo ba?" mahina lang ang pagkakasabi niya nun pero puno ng otoridad ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
General FictionHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...