5

22.2K 557 12
                                    

Beef

Kamila

Wala pang isang minuto ay mabilis nang nakalabas ang dalawa kong kasama na para bang nahuli silang nagnanakaw ng mahahalagang perlas.

Ang mga mata niya ngayon ay nakapako lang sa akin at hindi iyon umaalis. Naiilang ako na tumingin sa kanya dahil ang totoo, hindi ko na alam kung paano siya tatratuhin. Kung galit sana ang ipinakiya niya, magpapakababa ako, total naman ay kasalanan ko talaga. Kaso hindi niya naman ako binibigyang pansin kaya naguguluhan ako kung bakit di mawaksi ang matalim niyang titig.

"Sorry po Sir, naisipan ko lang hong--"

"Don't talk." singit niya sa paliwanag ko.

"Opo, wait lang po, magpapaliwanag po ako.." nagkumahog akong mag-isip ng nakaaawang dahilan para mas maging kapani-paniwala ang drama naming tatlo. "Kasi po sir--"

"I said don't talk. I hate the sound of your voice." pagkasabi niya ay tinalikuran niya na ako na para bang isa akong bacteria na nakakuha ng atensiyon niya. Kanina medyo curious, ngayon walang kwenta na.

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Tagos sa dibdib ang hapdi, parang gusto kong pigain ang kamay ko dahil namanhid iyon nang dagukan ako ng malaking kamao ng sakit.

Tumango na lang ako at lumapit sa inihandang pagkain. Itinuro ko ang ulam at ang kanin, tapos sumenyas ako na kumain na siya. Nag like-sign pa ako para itanong kung okay lang ba iyong niluto ko pero hindi naman siya nakatingin.

Bumuntong hininga ako. Okay lang yan little heart. Kaya mo pa. Inhale exhale ka lang muna diyan.

Umalis ako sa harap niya at tinungo ang palikuran. Maglilinis na muna ako habang busy pa siya total ay hindi naman na ako pwedeng tumambay sa harap niya. Iisa lang kasi ang CR dito kaya madali rin namang linisin. Isa pa, malinis naman talaga sa bahay iyong si Rio kaya walang masyadong problema.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iiskuba ng biglang bumukas ang pinto. Isang gwapo ngunit nakakunot na noo ang bumungad sa akin. Namumuti ang paligid ng kanyang labi at hawak-hawak niya ang kanyang tiyan na animo'y nakakain ng masama. May mga butil-butil pa ng pawis sa kanyang noo at leeg.

"Get out." utos niya sa matigas na boses. Kumabog ang puso ko sa pag-aalala. May nangyari ba? Dati ko namang niluto sa kanya iyong pigar-pigar ngunit hindi naman siya nagkaganito.

"Sir.. Okay lang po ba kayo? May masakit ho?" tanong ko at nag-akmang tatayo para dulugan siya namakarating sa bowl.

"I said get the fuck out!" hiyaw niya kaya napatili ako ng marahan saka agaran din namang sumunod. Pagkalabas na pagkalabas ko ay kumalabog ang pinto dahil sa malakas na pagkakasara niya dito. 

Ako naman, nanatili lang ako doon sa labas para masubaybayan kung ano na ang nangyayari sa loob.

Isang malakas na hangin ang tumunog. Hanging parang naiipit. Tunog utot na ayaw pakawalan. Napatingin ako sa gawi ng pinto na pinasukan niya.

Maya-maya pa, nabasag ang katahimikan ng biglang magragasa ang mga nilalaman pagkatapos ng utot. Impit na napatawa ako sa tabi. Naulit pa ang tunog na iyon hanggang sa nakatatlong beses din yata bago ko narinig ang flush.
Sa sandaling iyon ay naluluha na ako sa kakapigil ng tawa. Sapo ko ang nananakit ko na ring tiyan at halos di na ako makahinga sa kakapigil ko.

Lumabas siya na namumutla ngunit maayos na ang tindig. Nailabas niya na yata lahat ng sama ng loob niya. Bumaling ang tingin niya sa gawi ko at halatang nagulat siya na andun ako sa tabi ng pinto.

"Uh, damn it." bulong niya saka iniwan ako na nakatanga doon. Habang papalayo siya ay nakikita kong namumula ang tainga niya kaya lalong nagpumiglas ang tawa ko.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon