Downfall
Kamila
Kinuyom ko ang namamanhid kong palad na parang sa pamamagitan nun ay mawawala ang sakit na tumatagos sa puso ko.
Sinadya niya ba? Ginawa niya ba yun para saktan ako? Kasama ba iyon sa paghihinganti niya o sadya lang talagang mahal niya si Misty?
Ang daming tanong na lumilipad sa utak ko pero ni isang kasagutan ay wala akong makuha.
Isang marahang mura ang narinig ko dahilan para bumalik ang katinuan ko sa kasalukuyan. Nasa harap ko si Ruzz at nag-aalala ang mga mata niya. Hawak-hawak niya ang kamao ko at bahagyang pinipisil iyon.
Nakakita ako ng isang shot sa table na kinauupuan namin kaya kinuha ko iyon at tinungga dahilan para mapangiwi naman siya.
"Don't force yourself." saad nito.
Isang matabang butil ng luha ang kumawala sa mata ko. Nasundan iyon ng isa pa, at ng isa pa. Hanggang sa parang fountain na ang mga mata ko sa dami ng luhang umaagos mula rito.
Naramdaman kong gumalaw siya pero hindi ko pinansin iyon. Nakatingin lang ako sa dalawa kong palad na magkadaop.
Maya-maya pa ay may dumating na lalaki, may tatlong maliit na kopita siyang hawak. Inilapag niya ito sa table namin saka umalis.
Hinawakan ko ulit yung isa at nilagok iyon. Ganun din ang ginawa ko sa dalawa pang natitira. Napapapikit ako kapag gumuguhit ang init sa lalamunan ko patungo sa tiyan.
Gusto ko pang uminom kaso hindi na muling bumalik yung lalaki. Unti-unti na ring napapalitan ng kalasingan ang sakit na bumalot sa akin kanina. Tumayo ako para pumunta sa bar place pero akmang tatayo pa lang ako, umikot na agad yung paningin ko.
Umigkas ang kamay ko para humawak sa kahit ano na pwedeng mahawakan pero hindi na pala kailangan. Isang pares ng malakas na mga bisig ang sumalo sa akin. Tumingala ako at tumambad sa akin ang mukhang may bahid ng iritasyon.
"Ruzzia, sige na.. Pwede mo na akong iwanan." baka naaasar na siya sa akin dahil nagiging tagabantay ko siya. Ayos lang naman ako kahit mag-isa.
Humakbang akong muli at mabuti nalang ay nagawa ko nang dumiretso ng lakad. Nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa braso ko.
"Dito lang ako sa tabi mo." saad niya nang walang pagdududa. Tumango naman ako kasi alam ko na hindi rin naman siya papaawat kahit ipagtabuyan ko siya. Isa pa, kailangan ko ng kaibigan ngayon.
Walang anu-ano'y biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at nang mabasa kung sino ang tumatawag, lalong nagdilim ang mukha niya.
"Yes?" matigas ang tono niya sa kausap. Halatang galit siya pero hindi ko alam kung dahil sa akin.
May sinabi ang kausap niya pero nagtagis lang ang bagang niya dahil sa sinabi ng nasa kabilang linya.
"Mind your own fucking business. Simula ngayon, I will actively pursue her until the time comes na ako na ang pipiliin niya, naiintidihan mo!?" sigaw niya sa kausap.
Katahimikan.
"You already choose who you wanted Rio. Wala ka nang hawak sa kanya. She's mine now."
Ah, si Rio pala ang kausap niya. At sino naman itong she? Yung babae kanina?
Hindi ko masyadong masundan ang usapan nila dahil mas nakatuon ang atensiyon ko sa paglakad ng tuwid.
"Damn you!?" sigaw ni Ruzz bago pinatay ang tawag. Pinatay na rin nito ang cellphone para hindi na siya matawagan pang muli.
Naupo ako sa isang high chair at kumumpas sa waiter na bigyan ako ng isang shot.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
Fiction généraleHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...