43

19.1K 423 12
                                    

Nice Turn of Events

Kamila

"I want you to shoot Rio."

Bahagyang bumaba ang baril na hawak ko ngunit muli ko iyong itinaas nang hindi napapansin ni Patrick. I was looking at Rio, asking him to answer my unvoiced question but his eyes were steady on mine. As if saying that he trusts me. As if telling me to do what I want with him, to do what I please.

"Shoot him or kill him?" malamig kong tanong.

"Kamila, wag mong sirain ang plano, Rio will be fine, I swear. Do what the bastard wants." boses ni Ichiro ang narinig ko sa kabilang linya ngunit buo na ang pasya ko.

I am going to kill him. I am going to kill this fuckin bastard who have ruined my life and will also ruin my family's life if I let him.

This time, this place. I will personally end this fucking game!

Magkukunwari akong babarilin si Rio but I will shoot Patrick at the last minute.

"Hindi ako magaling umasinta, alam mo yan. What if tamaan ko si Misty?" nag-alala ko kunwaring tanong.

"So shoot her too. Wala akong pakialam sa kanya. Silang dalawa ang tirahin mo para walang palya." tugon niya sa tanong ko sabay ngising aso. Humalukipkip siya sa tabi ng lamesa at hinintay akong gawin ang pinag-uutos niya.

Kahit medyo nanginginig ang kamay ay itinaas kong muli ang baril. Hindi talaga ako magaling umasinta at natatakot ako na baka mag-backfire ang plano ko.

Nag-usal ako ng maikling panalangin bago ipinutok ang baril, kasabay niyon ay ang isang malakas na hiyaw na narinig kong pumailanlang sa kabuuan ng abandonadong building. Ngali-ngali akong napalingon sa kaliwa at kasunod niyon ay ang biglaang pagsabog ng mga bintana at pagragasa ng mga lalaking nakakulay itim na umiporme. Marahil ay nasa labin-lima sila, may mga takip ang kanilang ulo na animoy helmet habang ang kanilang mga kamay ay hawak na tag-iisang m-16. Napaluhod ako sa pagkabigla ngunit nang lingunin ko si Patrick ay wala na siya sa dating kinatatayuan. Inilibot ko ang paningin sa paligid para hanapin siya ngunit ang tanging nakikita ko ay ang abo ng sumabog na bahagi ng gusali.

"Kamila, everything okay?" bigla ay sabat ni Ichiro sa pagmumuni-muni ko.

"Y-yeah. He's gone though, bigla siyang nawala."

"That's fine. Narinig ko ang usapan, so he betrayed Misty too?" tanong nito.

Muli kong ibinalik ang tingin kina Misty at Rio na pinakakawalan ng mga tauhan ni Ichiro. Si Misty ang tinamaan ng una kong asinta. Hindi kasi ako ganun kadaling magtiwala. Kailangan kong bigyan ng kahinaan ang isa sa kanila. Isa pa, kung totoo nga na tinrahidor siya ni Patrick, wala naman siyang parte sa plano kaya ayos lang na medyo masaktan muna siya.

"I'm not sure with her Ichiro. She is a cunning girl. Marami siyang lihim kaya wag muna tayong magtitiwala sa mga nakikita natin. Hindi maganda ang kutob ko dito."

Umuo siya pagkatapos ay nanahimik na rin. Hindi ako lumapit kay Rio, hindi pwedeng makita ni Misty na nag-aalala ako dahil baka espiya din talaga siya. Baka kinutuban na din si Patrick sa akin at nagbago siya ng taktika.

"I have to vanish, hindi ako dapat makita ni Misty na kasama niyo. Pupunta ako ngayon dyan." saad ko kay Ichiro.

"Okay. Magtago ka muna, I'll have my men pick you up later."

Dinala nila sina Misty at Rio pagkatapos ay sinakay sa isang itim na kotse. Nakatago pa rin ako at hindi lumalabas hanggat hindi dumarating yung pangakong kotse ni Ichiro. Habang naghihintay ay pinapakiramdaman ko ang paligid sa posibilidad na baka nasa paligid lang si Patrick at sinusundan din ang galaw ko ngunit nanatiling payapa ang lugar. Wala akong makitang senyales na may buhay na tao dito maliban sa akin.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon