A/N: nag-iisang update sa araw na ito. 😐😐😐
-----------------------------------------------------------
Promise
Kamila
"Tracking Device."
"Activated."
"Hidden Camera."
"On."
Habang inaayos nila ang mga gagamitin kong gadgets para sa misyong ito, inaalala ko yung nangyari sa conference hall nang masabi ko kay Rio na pagod na ako at gusto ko na lang munang itigil namin ang lahat.
Naalala ko kung paano niya hinawakan ang beywang ko at inihilig ang kanyang ulo sa balikat ko. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong umiiyak siya at kahit na ayaw ko, kusang tumulo ang mga luha ko kasabay ng sa kanya. Kasi ganito kami, ang sakit na dinadala ng isa ay dumudoble ang dagok pagdating sa isa. Triple naman kapag sarili namin mismo ang dahilan kung bakit nasasaktan yung isa.
"Kami please.. Wag naman ganun. I'll do anything just please don't give up on me." hikbi niya.
Parang kinurot ang puso ko sa sakit na gumuhit doon. Nagsusumiksik ang ideya sa isip ko na tanggapin na lang siya ulit para matapos na ang paghihirap namin.
"Rio, I was happy, I am happy that you told me the truth about you ang Misty. Pero maraming hang-ups--- sa akin, sayo, sa mga tao sa paligid natin."
Humarap ako sa kanya saka hinawakan ang mukha niya na puno ng luha. I looked at him straight in the eye.
"I don't want Kia to grow up living in that kind of relationship. Ayusin muna natin lahat please. Tapusin muna natin ang mga problema bago tayo sumubok ulit. Isa pa, I also want to prove to your family that I am a better woman than who they knew me to be." tugon ko sa pakiusap niya.
I still wanted to continue with my plans. Yes, gusto ko talagang magsimula muli at pakiramdam ko, hindi iyon mangyayari kung andito pa rin kami sa mga dating sitwasyon na iniwan namin limang taon na ang nakararaan.
Umuo ang magkakapatid sa plano ko pero may binago sila sa mga kondisyon ko. Ayaw nilang mawala si Kia sa mga Montereal. If I don't want anything to do with them, basta daw open ako na bibisita si Kia sa kanila once in a while.
I said yes. I don't have a choice. Isa pa, nagbago na rin ang isip ko. I still have hope for me and Rio after his confession. Sadyang nadala lang talaga ako ng sakit at hinanakit dahil sa mga nangyari bago iyon kaya nabitawan ko ang salitang pagod na ako.
Bumalik ang huwisyo ko dahil sa boses ng lalaki na nasa harap ko.
"Mouth piece."
"Ready."
"Ear piece."
"Ready."
"Fucking peace of mind!? Nothing!" biglang singhal ni Rio sa kabila ng paghahanda namin para sa gagawin kong pagpapanggap kay Patrick. Natigil yung lalaking nag-aayos ng gadgets dahil sa pagkabigla kaya lahat kami ay nabaling ang tingin kay Rio.
Kanina pa siyang nakatitig sa akin kahit na hindi ko siya pinapansin pero ngayon lang siya nagsalita tapos pasigaw pa.
"Come on man. Hanggang ngayon ba?!" asar na bulyaw ni Mexico dito. Ngali-ngali naman itong batukan ni Rio pero mabuti na lang at nakailag.
"Let it be dude. Hindi natin siya pababayaan." ito naman ay galing kay Ichiro na simula nung magsabi ako ng tungkol sa plano ko ay mistulang naging mas malambot na. ang pakikitungo sa akin. Yun nga lang, wala pa ring emosyon ang mukha.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
General FictionHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...