Huling BesesKamila
"Pwedeng pahiram ng tatlong libo?" mahina kong turan. Namumula ako sa kahihiyan pero pinilit kong kapalan ang mukha. "Babayaran ko lang oras na makahanap ako ng trabaho." pakiusap ko sa kanya.
Hindi ko na kasi alam kung saan kukuha kapag hindi siya pumayag na pahiramin ako.
"At saan ka pupunta, kay Skye? Alam mong kaya kang puntahan dun ni Rio, Kamila." saad niya.
Tumigas ang mukha ko.
"Pumunta siya o hindi, wala siyang mapapala. Sa akin si Kia at hindi niya ako mapipilit."
Hinawakan niya ang kamay ko. "I can protect you. Kaya ko yun. Dun ka sa akin at itatago kita sa kanya. Kayo ng anak mo." pakiusap niya sa akin.
Gusto ko, gustong-gusto ko na kahit minsan, may isang tao na poprotekta sa akin sa lahat ng hirap. Yun na lang kasi ang ginagawa ko buong buhay ko. Ako na lang lagi ang pumuprotekta sa sarili ko. Kaso ayoko rin na umasa si Ruzz. Ayoko na matulad kami sa dati.
"Ruzz, I am thankful really. Kung alam mo lang kung gano ako nagpapasalamat, pero ayoko lang talaga na sa huli ay ikaw din ang aasa. Kasi ang hinihingi mo, hindi ko iyon maibibigay." paliwanag ko sa kanya. Mas mabuti na iyong nasasabi namin ng harap-harapan ang lahat para walang between the lines.
Umiling siya nang marinig ang sinabi ko. "Hindi iyon ang nais ko. I'm not doing this so you can give me back anything in return. Gusto kong makatulong at ito lang ang tanging alam kong paraan."
Bumuga ako ng hangin. May mapapala pa ba ako kung mananatili ako dito? Malapit sa tao na nanakit sa akin? At anong gagawin ko, magiging katulong din ako ni Ruzzia? Magpapatuloy lang ako sa pagiging janitress na parang walang nangyari?
Knowing Rio, kahit saang lupalop naman kami ng mundo, kapag ginusto niya, kaya niya kaming hanapin. So anong dahilan para magtago diba? Ako ba ang nagkamali para magtago sa kanya? Isa pa, kung kaya kaming protektahan ni Ruzzia, tatanggapin ko iyon ng maluwag at buong puso.
"Ruzz, sigurado ka ba dito?" saad ko. Ayokong may madamay sa mga posibleng mangyari sa hinaharap.
Tumango siya at ngumiti. Dahil dun kaya tumango na din ako. Mas mabuti na andito kami sa building. Naalala ko pa lang na maliban kay Rio, meron pa palang Patrick na nagbabanta din sa akin at sa buhay ng anak ko. At alam kong bago pa ako mabubuhay ng matahimik, kailangang pabagsakin ko muna ang hayop na iyon.
Binalingan ko si Giana na nasa harap lang namin at hindi umiimik. May mga luha sa kanyang pisngi pero hindi ko iyon binigyan ng pansin.
"Kung gusto mong mapatawad kita Giana, wag kang magsabi kung nasaan kami. Gaya ng ginawa mo sa akin, ganun din ang gagawin mo kay Rio."
Namilog ang mga mata niya pero alangang tumango pa rin. "Kung ganun, magkaibigan na tayo ulit?" naiiyak na turan niya.
Ngumiti ako ng mapait. "Napatawad lang kita, hindi ko sinabi na magkaibigan tayong muli G. Pasensiya na."
Lalo lang siyang humagulhol sa tabi pero nagtuloy-tuloy na kami ni Ruzz papunta sa personal na elevator niya. Inilagay niya ang sariling special ID saka pumasok kami sa loob.
Pakiramdam ko ay lumulutang pa rin ako. Para bang ang hirap huminga. Naalala ko yung nangyari sa akin sa elevator ni Rio pero hindi ko alam kung bakit sa elevator ako ni Ruzzia nakakaramdam ng takot. Marahil ay dahil alam kong walang sasalo sa akin dito oras na mamatay ang ilaw. Or maybe its for the simple reason that the little bubble of hope was shattered.
Fear is the absence of faith daw. Maybe I'm afraid now because I lost all faith in humanity and love. Because I was rudely opened to the harsh reality of life.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
Narrativa generaleHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...