44

16.3K 406 6
                                    

Lock the Door

Kamila

Kia was soundly sleeping sa kwarto kasama ang yaya nito kaya inaya ko si Rio na gamutin ang ilang sugat niya. Ang loko-loko kasi, hindi daw nagpagamot sa personal doctor ng pamilya dahil sa galit kay Ichiro at nung malaman na babalik ako, sinabi na lang na sa akin na lang daw magpapagamot.

Ang siste, andito kami ngayon sa kwarto niya, at imbes na gawin namin yung ano.... nasasayang namin ang oras sa mga igtad niya at halinghing ng sakit. Mas diniinan ko ang panggagamot sa sugat sa may bibig niya dahil sa inis. Takte, konting oras lang ang ilalagi ko dito tapos uubusin lang namin sa gamutan!

"Ano bang problema mo at ganyan ka ngayon? Alam mo namang masakit e." maktol niya nung hindi na matiis ang sakit.

"Masakit?" nanggigigil kong saad. "Masakit ba?" lalo kong diniin ang bulak sa pasa.

"A-aray! Aww! Babe naman e." mangiyak-ngiyak niyang turan sabay hawak sa kamay ko.

"Lintek na, masakit pala e bakit hindi ka nagpagamot sa doctor kanina! Ayan tuloy.." hindi ko natapos ang gustong sabihin dahil umurong ang dila ko. Hindi ko pa rin kaya, bwiset. Nakailan na nga kami ng lokong to, pero hanggang ngayon ba naman ay hindi ko pa kayang maging vocal!  Nakakabanas!

"Ayan tuloy ano? Ano ba kasing problema mo?" naaasar niya na ding turan.

"Dapat kasi si doctor Rio! Dapat kanina pa para hindi na nasasayang ang oras natin." inis kong bulyaw.

Malungkot ang mga matang bumaling siya sa akiin. "Nasasayang ba ang oras mo dahil ginagamot mo ko? Gusto ko lang namang maramdaman na alagaan mo ako kahit minsan ah." nagpapaawa niya pang saad. Namungay ang mga mata niya at ngumuso ang pang-ibaba niyang labi na parang batang nagmamaktol.

"Kung ayaw mong alagaan ako, ayos lang naman. Hindi mo naman ako kailangang saktan."

Tumirik ang mga mata ko.

"Imbyerana! Halika na nga, pabebe ka pa e." ungot ko sabay hila sa kanya para makaupo ulit. Tumayo kasi siya at bahagyang lumayo kanina nung nagsimulang magdrama.

"Ang sungit ng misis ko. Parang nagbubuntis, ang sarap ikama."

Agad akong pinamulahan ng mukha. Ang masamang parte ng utak ko ay sadyang nagpaparty habang ang kabila, iyong medyo mabuti, sinesermunan ako. 'O sige Kamila, gusto mo yan diba? Aysus, namula ka pa! Para namang hindi ka pa nag-iinit kanina pa. Plastik.' Dahil sa sermon ng mabuting parte, nalito tuloy ako kung alin yung mabuti at masama. Iyong mabuti ata yung nagpaparty.

"Ang bastos talaga ng bunganga mo!" impit kong hiyaw.

Nag-akma akong tatayo at tatalikod pero kinabig niya ako para mapaupo muli. May kinuha siya pansamantala sa tokador at pagbalik niya, hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Wag malikot." simple niyang tugon.

I was expecting something strange, iyong feeling ko iseset-up niya ko. Pero sumunod din naman ako at hindi rin ako gumalaw.

Nagulat ako nang maramdaman ang dahan-dahang pagdausdos ng kamay niya sa buhok ko. Tinatanggal ang mga buhol doon bago ni pinasadahan ng brush. Parang nakikiliti ako habang dumidikit ang mga galamay nung suklay sa anit ko, lalo kapag yung kamay niya yung nandoon.

I didn't know that having a man comb your hair could be erotic. Parang sobrang intimate, the kind that only married couples do.

Hinawi niya ang mahaba kong buhok mula sa batok ko at nagsimulang suklayin ng paharap. Inaantok ako sa ginagawa niya kaya napapikit na lang ako habang ninanamnam ang mga ganitong sandali. Marahil ay nagsimula na nga akong makatulog kasi napasinghap ako sa gulat nang biglang may humalik sa aking batok.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon