Halimaw at Mangkukulam
Kamila
Pagkaalis ni Rio at ni Datu, hinayaan ko ang sarili ko na libutin ang kabuuan ng suite. Ang pader dito ay pulos salamin kaya maaliwalas tingnan. Halos tatlong kulay lang ang matatagpuan dito, itim, dark blue at gray. Gray ang kulay ng carpet at sofa samantalang ang kusina naman ay itim na tiles at ang ibang kasangkapan sa bahay ay naglalaro sa pagitan ng dark-blue at gray.
Binalingan ko naman ng tingin ang kusina. Nakakatuwang isipin na mula sa iisang rice cooker na lutuan, makakapagluto na akong muli sa oven. Namiss ko na rin ang pagbe-bake na dati ko nang pastime nung magkasama pa kami.
Bitbit ang bag ko ay tinungo ko ang unang kwartong nakita ko. Malaki ito at halos kapareha lang ang disenyo ng kabuuan ng bahay. Ang tanging pagkakaiba lang ay ang bahagyang pagliko ng kulay patungo sa puti na sadyang paborito ko. Ang malaking kama ay halos pagtriplihin ang banig na hinihigaan ko sa apartment. Sadyang maaliwalas ang kanyang kwarto kaya nakakatukso na gamitin iyon.
Umiling ako para iwaksi ang naisip. Grabe, baka ipagtabuyan niya ako pag makita niya akong nakahiga sa kanyang kama.
Bumuntong hininga ako bago lumabas at muling hinanap ang kwarto na ipinangako ni Datu. Nakasuksok iyon sa tabi kaya halos hindi napapansin na may kwarto pa doon. Parang sinadyang itago sa mga mata ng bisita.
Pagbukas ko ng pinto, ang unang umagaw ng atensiyon ko ay ang malaking larawan ng babae. Nakatawa siya sa larawan habang ang kamay niya ay nakatakip sa bibig na parang nahihiya na ipakita ang maganda niyang ngiti. Ang umaalong buhok ay inililipad ng hangin. At kahit na black and white ang litrato, kitang-kita ang pagiging carefree ng babae. Na parang wala siyang kaproble-problema sa mundo.
Sumikdo ang dibdib ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding paninibugho sa babae na iyon. Sino ba siya at bakit andito ang litrato niya sa kwarto na ito?
"Misty.." basa ko sa nakasulat sa ibaba.
Muli kong sinipat ang litrato. Misty ang pangalan niya? Hinawakan ko ang canvas at ipinikit ang mga mata. I have never felt this carefree in my life. Simula noong bata pa ako ay nakatuon na ang atensiyon ko sa paghihiganti. Nang makilala ko naman si Rio, kahit anong saya ang nararamdaman ko ay hindi maiwaksi ang katotohanan na mawawasak lang din iyon. Noong nanganak ako ay mas lalong humigpit ang tali dahil sa responsibilidad. Walang panahon para maging kagaya ng babae sa picture.
Habang iniisa-isa ko ang kakarampot na damit na dala ay iniisip ko kung ano na nga ba talaga ang kalagayan ng damdamin ni Rio. Nakakaasiwa naman na isipin na umaasa pa rin ako, yun pala ay wala na siyang nararamdaman ni katiting. Maliban na lang dun sa galit niya dahil sa ginawa ko noon.
Binuksan ko ang walk-in closet na nasa tabi ng kwarto ko at nagulat sa tumambad sa akin -- mga mamahaling damit. Saka ko lang naisipan na ilibot ang paningin sa paligid at kabuuan ng kwarto.
Kulay pink ang cover ng kama dito at may mga frills pa sa paligid. Ang salamin na may mga ilaw na nakapalibot ay puno ng mga gamit pambabae.
Nanlulumo na napaluhod ako sa sahig. May nagmamay-ari ng kwarto! At isang babae iyon. May kasama pala siyang tumira dito sa suite pero hindi man lang siya nagsabi!
Pabalang na hinablot ko ang mga damit at ibinalik ito sa bag. Isinara ko iyon gamit ang higit na lakas kaysa sa kinakailangan at saka lumabas ng kwarto. Mas gugustuhin ko pang manirahan sa apartment kaysa ang makiisa sa mga ito. Hindi ko kakayanin.
Sasakay na sana ako sa elevator nang biglang tumunog ang telepono. Malakas at maingay iyon kaya nilapitan ko na lang.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
Tiểu Thuyết ChungHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...