22

20.4K 485 5
                                    

Litrato

Kamila

Bumisita sina Giana at Kier kinabukasan na sakto namang pagpayag ng doctor na makalabas ako ng ospital.

Rio on the other hand wanted me to stay a little longer para sa karagdagang tests and check-up na gusto niyang gawin ko. Ganun pa man, hindi ako nagpatinag sa desisyon kong lumabas ng ospital. Wala na din naman siyang nagawa. Nagmumura pa siya nung iwanan ko dahil nalaman niyang kina Giana ako sasama pauwi.

Habang nasa sasakyan pabalik ng suite, tumatakbo pa rin sa isip ko ang sinabi ni Ichiro kagabi. Me being a gold-digger and a traitor at sa oras na malaman niyang niloloko ko ang kapatid niya, the things he will do.

Naisip ko si Kia.

Hindi ba't panloloko din na hindi alam ni Rio ang tungkol sa anak niya? I know Ichiro will do everything para hanapan ako ng butas. That is how they love their family -- they protect.

Kapag nalaman niya na na may anak si Rio, will he soften at me o ilalayo lang nila ang anak ko sa akin? Magagawa ba nila na paghiwalayin ang ina at ang anak?

"Hoy, okay ka lang? Kanina ka pa tulala ah?" tanong ni Giana na kanina pa palang nakatingin sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi saka tumango. Hindi rin naman nila ako maiintindihan kahit anong gawin ko. Oras na malaman din nila ang ginawa ko noon, baka kahit sila ay iwasan na din ako.

Pinitik ni Giana ang daliri niya sa mukha ko.

"So, naospital ka dahil napainom ka, ganun ba yun?"

Bumaling ang tingin ko sa kanya. Hindi pa pala napaliwanag nina Rio. Nga pala, ako lang ang kaibigan ng mga to, hindi naman si Rio. Wala siyang obligasyon na kausapin sila o magpaliwanag sa kanila.

"Nasira yung elevator tapos namatay yung ilaw.. May phobia ako pag madilim." paliwanag ko sa kanya.

"Ah, achluophobia.." sibat ni Kier.

Sabay kaming napatingin ni Giana sa gawi nito na kanina ay wala lang imik. Tumaas na din ang kilay ni G.

"Kier Anthony Pereda, sabihin mo nga saken ang totoo, tao ka ba o robot?"

Humagalpak ng tawa si Kier sa sinabi nito dahilan para lalong mas magngitngit ang kaibigan ko.

"Tawa pa more! Bigyan yan ng tatlong halakhak." sarkastikong saad ni G.

"Halakhak, halakhak, halakhak." sagot ni Kier.

Kahit ako ay hindi napigilan ang tawa na kumawala sa bibig ko. Tinapunan ako ng masamang tingin ni G pero hindi ko din talaga mapigil. Habang si Kier naman,  well Kier was tearing up because of his booming laughter.

Humalukipkip si Giana.

"Sige tumawa ka. Akala mo ba napatawad na kita sa pang-iiwan mo kagabi? May code red ka pang nalalaman?!" busangot na turan nito habang nakatingin sa labas.

Akala ko ako ang sinasabihan niya na nang-iwan sa kanya, pero nung nabanggit niya ang code red, may sumagi sa isip ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Kier sa  rearview mirror. Naningkit ang mga mata ko.

"Uhm.. tinawagan kasi ako ni Boss. Emergency daw at kailangan kong pumunta sa inyo kagabi." paliwanag niya.

Tumango-tango ako sa narinig.

"Ah so ikaw yung nagdala sa akin sa ospital?" tanong ko.

Umiling siya saka tumingin sa gawi ni G na nakatingin na din pala sa kanya.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon