17

19.9K 502 20
                                    

Breathe..

Kamila

"Sayo to!?" kanina pa nito hinahampas si Kier sa braso habang sinisipat ang kabuuan ng kotse. May pinindot si Giana na naging sanhi upang matanggal ang cover ng kotse at salubungin kami ng malamig na hangin.

"What the hell Giana!" sigaw ni Kier nang makitang nag-akma itong tatayo. Hinawakan pa nito ang kamay ng babae para hindi na mag akma pang muli.

Sumimangot ito pero hindi rin naman nagsalita.

Tumayo ako at iwinagayway ang kamay ko sa ere.

"Wohooooo!!?" sigaw ko habang sumasayaw-sayaw pa. "Kawawang Giana, hindi pinapayagan!" kumakanta-kanta ang boses ko habang lalo namang bumubusangot ang mukha nung isa.

Tumingin siya sa gawi ko tapos tumitig kay Kier na para bang nagpapaawa. Nakita kong nagkatinginan sila ng medyo matagal.

"Mata sa daan!!" sigaw ko sa hangin sabay tawa ng malakas.

Pakiramdam ko ay nakasinghot ako ng drugs. Para akong lilipad sa tuwa at kaligayahan habang nililipad ng hangin ang buhok ko pati ang mga problema ko.

"Kami, take care. Ayoko pang mamatay pag naaksidente ka. And you--" tiningnan niyang muli si Giana. "Hold on tight you brat!"

Tumili si Giana na parang isang bata sabay tapak sa mamahaling upholstery ng sasakyan. Hinawakan niya ng isang kamay ang windshield habang ang isa naman ay nakataas din sa ere.

"Wohooo!!!" sabay naming sigaw.

"Buksan mo yung music Kier!" sigaw nito.

Umiling na lang ang kawawang lalaki pero sumunod naman. Pumailanlang ang malakas na tunog ng Chainsmokers na All we know.

Pagkataring namin sa lugar na pupuntahan namin, nagtatawanan pa kami dahil sa nangyari. Muntik pang madapa si Giana dahil nasabit ang heels niya sa seatbelt, pero mabuti na lang at maagap si Kier. Nasa tabi na ito agad ng dalaga at hawak-hawak na sa braso.

Humagikhik ang isa sabay abrisiete sa kamay na nakalahad. Pagkatapos ay inihilig nito ang ulo sa balikat. Nauna ang dalawa habang nasa likod naman ako.

"Here." dinala kami ni Kier sa isang exclussive na sofa. Kami lang ang andun at medyo nakatataas siya kumpara sa mga normal na table na inuukupa ng mga normal na tao.

"Mahal ang bayad dito, sigurado bang okay lang?" nag-aalalang saad ni Giana.

Ngumiti lang si Kier at itinaas ang kamay. May sarili pa pala kaming waiter. Ang buong akala ko, ang pupuntahan namin ay isang simpleng bar na kung saan ay mag-iinuman kami at magpapakalasing. Iyon pala, maghahapunan pa kami dito.

Kaiba siya sa mga bar na napuntahan ko na. Sa kabila ay ang parte na magulo, ang lugar naman namin ay parang bar na may class. Pwede kang kumain or uminom nang walang mang-iistorbo sayo.

Umorder kami ng mga gusto naming pagkain at nagsimulang magkwentuhan. Naitanong muli ni Giana kung kanino ang convertible pero umiling lang si Kier at sinabi na hiniram niya lang.

Malapit na kaming matapos sa pagkain nang biglang may magsalita sa likod ko.

"Kami?"

Tatlong pares ng mga mata ang lumiko ng tingin sa bandang likuran.

"Ruzz?" hindi ko makapaniwalang sambit. "Anong--?"

"Wow! Akalain mo yun? What a small world huh?"

Uminom ako ng wine at humarap sa kanya.

"Are you stalking me?" pang-aalaska ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang mamula. What the heck?

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon