Who are you?
Kamila
Kinabukasan, nagising ako na wala nang tao sa suite. Nang tingnan ko ang oras sa relo, alas dyes ng umaga kaya agad-agad akong bumalikwas ng bangon.
Mabilisan ang pagligo na ginawa ko. Sinuot ko na lang yung baggy jeans ko tapos isang simpleng t-shirt at nagluto nang pagkain ni Rio na kakainin niya dito. Naisipan kong sa cafeteria na lang kumain kasama sina Giana at Kier para namam hindi ko makasama si Rio at nang hindi na masira ang araw ko.
Nagsulat na lang ako ng maliit na note para sabihin na kumain na siya at hindi na beef iyong pagkain sa mesa.
Pagkababa ko, saktong alas onse y media na at nasa pwesto na ang dalawa. Halos may kani-kanya nang upuan ang mga staff dito kaya nakapagsarili na rin kami ng table na masasabi naming exclussive for us only. May kalakihan din kasi ang cafeteria dito at pinagawa talaga siya para sa employees.
Bumuntong-hininga ako bago naupo sa tabi ng dalawa. Napansin kong nagsisitayuan na naman ang balahibo ni Kier dahil sa gumagapang na mga kamay nitong si Giana. Masama na naman ang tingin nito sa akin na para bang kasalanan ko kung bakit magkasama na naman sila ng rapist niya.
"Friendship! Andito ka na." sa wakas ay itinagil na ni Giana ang PDA nila nitong reluctant niyang ka PDA. Kinuha nito ang isa pang upuan saka itinabi sa kanya.
Kukunin din sana iyon ni Kier kaso pinandilatan siya nito kaya tumiklop naman ang kawawang nilalang. May sa pagka-amazona kasi talaga ang ugali nitong babaeng to e.
"Kanina pa kayo?" tanong ko nang makaupo ako sa pwesto namin.
Umirap lang si Kier kaya si Giana na ang nagsalita.
"Kanina pa. Ang saya-saya ko nga e. Nakita ko na naman kasi si Baby Kier ko. Diba hon?" saad nito sabay haplos sa pisngi ng lalaki.
Umigtad naman ang isa na akala mo ay napaso bago inilayo ang sarili.
"Tumigil ka ngang haliparot ka. Makikita tayo ni Edward."
"Edward?" takang tanong ko.
Sumimangot si Giana saka humarap sa gawi ng isang lalaki na naka long-sleeves maroon polo at black pants. Brownish ang kulay ng buhok nito at talagang magandang lalaki tingnan.
"Crush mo siya?" tanong ko kay Kier.
"Matagal na kaya! Pero kasi, yung iba diyan, walang ibang ginawa kundi lapastanganin ang pagkatao ko kaya tuloy hindi ako makaporma." saad niya sabay kagat sa burger na hawak.
Tumaas ang kabilang parte ng bibig ni Giana saka tiningnan ang kanyang burger. Pagkatapos ay nilantakan iyon na parang wala nang umaga.
"Hoy hinay-hinay, di ka pa bibitayin." natatawa kong saad sabay hawak sa kamay niya na noon ay patungo na naman sa gawi ng kanyang bibig.
"Hmp. Nakakabanas." angal niya sabay tingin sa gawi ko. "Kumusta nga pala kahapon? Nagalit ba si Sir?"
Ngumiwi ako. "Hindi pala pwede sa kanya yung beef. Sumama ang pakiramdam."
Humagalpak siya ng tawa dahilan para mapatingin ako sa gawi niya.
"Kaya pala nagpabili ng loperamide. Namimilipit sa sakit kahapon tapos pabalik-balik sa CR. Kawawang Sir, buti hindi na dehydrate." saad niya.
"E bakit ang saya-saya mo na ganun ang nangyari?" singhal ni Kier sa kakatawang si Giana ngayon. Minsan talaga, kahit ang ganda ng babaeng to, wapake sa poise e.
Akala ko sasagutin niya ang sarkastikong tanong nito pero nang magpatuloy sa pagsasalita si Giana, tumaas ang kilay ko.
"So, hindi ka naman sinaktan ni Sir? Alam mo na, lumabas ang pagkahalimaw?" saad nito na sumisikdo na sa tawa.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
Tiểu Thuyết ChungHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...