Chapter 19

1 0 0
                                    

Alexandria was lounging in the living room, flipping some channels. Wala siyang maisip na gawin sa mga panahong 'yon kaya nga at tinamaan siya ng kabagot. Simula kasi no'ng 'maliit' na eksena niya noong Liga ay hindi na siya pinayagan pang muling umalis ng bahay ni Sage. Well, maliban nalang kung kasama niya mismo ang binata.

At first, okay lang naman. Madalas na pinapasyal siya nito sa kung saan-saang parte ng subdivision. Inilibot siya nito sa clubhouse. Napasyal na rin siya ng binata sa  pamosong park ng Datu Berde. Sa loob niyon ay may napakalawak na hardin at green house na maaring pasyalan ng mga gustong magmuni-muni. Pinasok rin nila ang napakalawak na maze na matatagpuan din mismo sa loob ng park at sa paglabas nila sa maze na iyon ay may kamangha-manghang lawa palang nakatago.

They also dined in the sub's bistro, grab some afternoon snacks at Sweet Shack after some slow paced stroll wherein lots of cakes and sweet stuffs were to be found and they also buy some stocks and supplies for the house on SG's market place.

Their recent tour in the place was so much fun. Lexa liked it a lot although Sage and her fight a lot on little things on the course of the tour. But those petty fights were just pretty much to tease and bully one another.

Napabuntong-hininga si Alexandria at nangalumababa habang nakatutok sa tv without actually seeing it. She was pretty much bored without having something to do. Hindi siya sanay sa ganoon dahil nasanay siya sa ka-hectic-an ng trabaho niya. Alexandria Monique was good at dealing with children's illnesses. She loved her job as a pediatrician even though it eats up so much of her time to the point that she can't make herself have a break even on her day-offs. Tatawagan at tatawagan lang kasi siya ng hospital kapag may emergency kaya tuloy parang wala pa rin siyang day-off. Saka mababagot lang din naman siya kung wala siyang ginagawa tulad nalang ngayon.

Lexa haven't had a day-off in her life. Kaya ngayon tuloy ay bored na bored siya. She missed her work so much. She even wonder from time to time how did the pedia ward carry on without her there right now. She sighed.

"Bwiset talaga ang mokong na 'yun." nasambit nalang niya. Wala kasi siyang maka-usap sa bahay na yo'n dahil maagang umalis ng bahay ang binata.

May nga investors kasi itong ka-meeting sa mga oras na 'yon. Parang ang unfair lang dahil nagawa pa nitong magtrabaho at iwan siya habang siya naman ay naiwang nakatunganga sa loob. Napabusangot nalang siya.

Makalipas lang ang ilang minuto ay narinig ni Alexandria ang pamilyar na ugong ng sasakyan ng binata. Nakakunot-noong sinilip niya ito mula sa kurtina ng floor-to-ceiling glass wall ng bahay. Hindi siya umalis sa kinauupuan upang pagbuksan ito nang bumusina ito kaya walang nagawa si Sage kundi ang bumaba ng kotse at personal na buksan ang gate upang i-garahe ang nasabing sasakyan.

Lexa went back to channel surfing para hindi isipin ng binata na hinihintay niya ito. She felt Sagittarius' presence as he went near her and kissed her temple in greeting. "Wa'g ka ngang bumusangot. Mas lalo kang pumapanget eh."

Hindi niya ito pinatulan at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. "Hoy, Lexa." naramdaman niyang tinabihan siya nito sa mahabang sofa. "Hoy, panget."

"Minumulto ba 'ko? Parang may narinig akong nagsasalita ah." aniya at inilibot ang tingin sa paligid.

Pagak itong tumawa. "Ang gwapo ko naman yatang multo?"

"Brrrrr! Ano ba yan biglang guminaw. Diyos ko, may lamat yata ang bahay na 'to." sarkastikong wika niya pa.

She felt Sage rolling his eyes. He started poking her cheeks to make her talk to him. "Ang drama mo. Hoy Lex."

Alexandria continued acting as if she didn't see or even hear him.

"Lex."

"Hoy."

The Michelin HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon