"And this is my girlfriend for five years now. Everyone, meet Alexandria Monique Vicencia." Pagpapakilala ni Sagittarius sa kababata at longtime girlfriend sa mga kakilala nito.
Lexa automatically flashed her most charming smile to their little crowd. Kahit naiilang man siya sa mga taong nakapaligid sa kanila, she still stood up to her role as the ever faithful and supportive girlfriend of the very famous international Michelin celebrity, Sage del Ruiz.
Hinding-hindi niya hahayaang kainin siya ng buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila. This is a tough life for a girlfriend of some celebrity chef and she's a tough woman. She'll never break and lose her composure in front of these fakers.
Kung ba't ba naman kasi nauto nanaman si Alex ng nobyo-nobyohan nya sa pagsama rito sa isang napakaboring na charity gala kung saan invited ang huli? Nakumbinsi parin kasi siya ng binata kahit na nga ba alam nitong ayaw niya talagang dumalo sa kahit na anong pagtitipon kung saan alam niyang iiwan at iiwan lang naman siya ng huli sa ere.
Kelan pa nga ba siya madadala sa mga simpleng pagpapa-cute ng binata upang mapagbigyan lang niya? Hayan tuloy at huling-huli na siya upang magsisi sa naging desisyon.
"Good evening everyone." masiglang bati niya. Tutal naman kasi'y wala na siyang magagawa pa kundi ang makibagay at makipag-plastikan sa mga kakilala kuno ng ulupong na katabi niya.
"Girlfriend mo, ng limang taon? Sure ka bang hindi ka nananaginip ng gising, pare?" hindi makapaniwalang tanong ng isang binata na maiging nakikinig sa usapan. "Akalain mo nga namang may nakatagal pa sa iyo ng ganoon katagal?" nagsitawanan naman ang mga bisitang nakarinig sa hirit na iyon.
"Man, ang akala talaga namin ay wala ka nang ginawa sa buhay mo kundi ang magluto at magloko." Iiling-iling na nasambit ng isa pang lalaki na naka-akbay sa date nito. "I mean, whoah. You really can't judge a toad by its texture." Alexandria can't help but snicker on that comment.
Inikot lang ni Sage ang mga mata sa mga kantiyaw ng mga kakilala nito. "I'm a one woman man, Ino. Of course I deserve a five-year relationship with the most gorgeous woman in the planet."
Alexandria too, wanted to roll her eyeballs together with the men and their dates around them.
"What?" inosenteng tanong nito. "It's not like katulad ako ni Rico na kung makapagpalit ng girlfriend eh daig pa ang pagpapalit ng damit."
Someone, who she guessed probably was Rico, chuckled. "Can't help it, pare. Ganito lang talaga kaming mga pawang simpleng tax payers ng bansa na biniyayaan ng walang habas na kagwapuhan ni Lord." Nakangising turan nito at pasimpleng kinindatan siya.
Nabigla siya ng kaunti nang maramdaman ang paghigpit ng kapit ni Sage sa bewang niya. Binato niya ito ng kakaibang tingin ngunit ang tanging makikita lamang sa mukha nito'y pawang kalmado at inosenteng ngiti. But Lexa knew better.
She suspected Sage hated the guy whose name was Rico and she sure as hell know that he's wanting to erase the smug look on his face right now.
Lihim na napangiti ang dalaga ng dahil doon. Hindi niya alam ngunit parang gusto niyang ipagpalagay na nagiging overprotective si Sage sa kanya.
Hindi mapigilan ni Lexa ang umasa kahit na nga ba alam niyang pawang kalokohan lamang ang mga iniisip niyang iyon at hindi kailanman mangyayari.
Walang sinuman ang makakapagpabihag at makakapagpaamo sa nobyo-nobyohan niya. He's a wild one at kahit siya man ay nawawalan na rin ng pag-asang mapabago ito.
Nang mag-umpisa na ang program ay napansin ni Alexandria ang unti-unting paglapit ng isang babaeng tila kinakapos yata sa tela ang damit. Nang tingalain niya naman ang binata'y bigla na lamang kumirot ang dibdib niya.

BINABASA MO ANG
The Michelin Hottie
AcakSagittarius Elliot del Ruiz has never begged anyone or even exert effort on having what he wanted in life. Anything he had has always been served in a silver platter- except for the only thing he was very familiar with since he was a child, his pass...