Sage's P.O.V
"Sage, habulin mo siya bilis!" apuradong utos ng mama niya.
"Ma, pwede ba?" nababagot na binato niya ito ng tingin.
"Steban Elyonor, habulin mo ang paborito kong mamanuganin kung ayaw mong tumaas ang alta-presyon ko!" sigaw na nito habang tinatapik-tapik ang kanyang braso.
Napabuntong-hininga nalang ang binata. Kung minsan talaga nagdududa na siya kung iniluwal ba siya ng isang buwang na nilalang o ano. "Mom, my name is Sagittarius Elliot. Ba't ba palagi mo nalang mine-murder ang pangalan naming dalawa ni papa? What's worse is, ginawa mo pang pambabae ang second name ko." iiling-iling na pamumuna niya. "And besides, wala ka namang alta-presyon to begin with kaya chill lang po kayo dyan."
Napapadyak na ito na parang batang pinagkaitan sa kagustuhan. "Well, I can learn to have one, goddamnit! Gusto mo bang mamatay pa ako sa konsumisyon dito bago ma 'ko sundin, ha, anak?" tanong nito pagkatapos ay nakahalukipkip na nag-iwas ng tingin sa kanya. Kunot na kunot pa nga ang noo nito na gusto na niyang itawa ngunit pinigilan nalang niya ang sarili. Pakiramdam ni Sage, imbis na tumayong ina ito sa kanya at sa buong bansa ay umaakto itong bunsong kapatid niya na wagas kung makapag-tantrums.
Narinig niyang nagbuga ito ng hangin nang marealize siguro nitong wala siyang planong tumayo at suyuin ang nag walk-out niyang ex-girlfriend. Ibang klase talaga ang nanay niya. Ito lang yata ang tanging ina sa buong mundo na isang purong english royalty na matatas pang magtagalog kaysa sa Presidente ng Pilipinas at napakahilig magpalayaw ng mga tagalog at makalumang pangalan.
"Sagittarius Elliot del Ruiz!" napahinto si Sage sa pagsubo ng kinakain nang sa wakas ay banggitin ng first lady ang kanyang buong pangalan. "Follow your girlfriend in this instance kung ayaw mong kontratahin ko ang MILF upang pasabugin ang lahat ng hotel and restaurants mo ng parang sa twin tower!"
Bigla nalang siyang namutla sa bantang iyon ng kanyang mama. Kapag kasi ito na ang magbitiw ng salita'y walang kasiguruhan kung seseryosohin ba nito iyon o hindi. Takot niya lang sa maaaring magawa nito. "Mom..?"
"Now, Sage!"
"Fine, I'll be on it!" anya at nagmamadaling tumayo. "Just make sure na sa pagbabalik ko, hindi nalang abo ang madaratnan ko sa negosyo ko. Gusto niyo pa namang magka-apo, diba ma?" pagkaklaro niya at tinapunan ito ng nagbabantang tingin.
Tumango-tango ito na parang bata at maliwanag siyang nginitian. "Promise!" she said, raising her both arms. Nakahinga naman si Sage nang maluwag nang dahil doon at tinahak na ang kinaroroonan ni Alexandria kung nasaan man ito. 'Sakit talaga sa ulo ang babaeng 'yon kahit kailan.' iiling-iling na sambit niya sa isip.
Lexa's P.O.V
"Alexandria, wait!" nagkukumahog na hinabol ni Sagittarius ang dalaga. Binilisan naman niya kaagad ang paglalakad nang marinig ang pagtawag nito.
"Hey, wait! Don't.. please don't.. move.." hapong-hapo at habol ang hiningang pagsusumamo nito nang sa wakas ay maabutan siya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya upang pigilan siya sa paglalakad.
"What?" walang-ganang tanong niya sa binata.
Nang mukhang makabawi na ito sa mini 'fun run' na ginawa nito ay bigla siyang tinitigan nito ng buong kaseryosohan sa mga mata. "I think you should marry me." pahayag nito.
Muntik nang masapak ni Alexandria ang binata. Buti nalang talaga at napigilan niya ang kanyang sarili. Alam naman kasi niyang kilabot na pagbabanta ang inabot nito sa pamilya nila para sundan pa siya nito sa pagwo-walk out at alukin pa siya ng kasal.
Huminga siya ng malalim at kaagad ding ibinuga iyon. Pinanatili niyang blanko ang mga mata habang pinapalis ang mga kamay nitong nakapatong sa mga balikat niya. "Okay." aniya at tumango-tango. Lumiwanag naman ang mukha nito sa sinabi niya. Humalukipkip siya. "Now, on your knee." Tila naguluhan pa ito sa sinabi niya. Tinuro niya ang aspalto ng parking lot kung saan sila naroroon. "Luhod."
Agad namang nag-iba ang timpla ng mukha nito nang sa wakas ay ma-gets nito ang ibig niyang ipagawa rito. "You're kidding me. Ale-"
"Do I look like I'm fooling around, Sage?" tanong niya at itinuro ang pagmumukha.
He grimaced. "Pero Alexandria-"
"Okay." iyon lang at tinalikuran na niya ito.
"Wait." he pulled her wrist to stop her.
"Ano na?" tanong niya at tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya. "Down. Now."
"You've got to be kidding me." he distastefully said.
"What, is that a 'no'?" she smirked.
"Hell no!" he roared in finality.
She then shrugged her both shoulders. "Fine. Suit yourself." wika niya at nagsimula nanamang maglakad palayo rito.
"Wait, wait, wait!" hinarangan kaagad nito ang daraanan niya bago paman siya maka-ilang hakbang.
"So, you've already changed your mind?" nakangiting tanong niya rito at sumipol. "That was fast."
"No, I haven't changed my mind-"
"Okay. Madali naman akong kausap-"
"But! Wait, don't go just yet." pagpipigil nanaman nito. "But.. but fortunately, I have a proposal you might be ecstatic about." he said dryly with a sarcastic excitement in his voice.
"And what is that?" taas-kilay na tanong niya.
"Look!" anito at itinuro ang nasa likuran. Awtomatiko namang sunundan nya ang itinuro nito. Huli na nang marealize niyang pinaglololoko lang pala siya ng damuho. 'Not again!'
She shrieked, "Sagittarius Elliot del Ruiz! Ano ba!" reklamo niya and then shrieked some more in hopes of blasting his eardrums. Buhatin daw ba siya nito na parang isang sako ng bigas? Now, who wouldn't be embarrassed and infuriated at the same time? For God's sake, makikitaan siya sa suot niyang dress! "Ibaba mo ko Sage!" Pagdedemand niya at pinagbabayo ang likod nito.
"Sorry, love. You left me with no choice."
"Akala ko ba, you have a 'proposal' I might be ecstatic about?" sarkastikong tanong niya.
"I lied." balewalang pag-amin nito. "Fools are loosers. Loosers are weepers. Sadistic women should be thrown in the nearest cliff." he chanted mockingly.
"It doesn't even rhyme!" she whined and rolled her eyes.
"It doesn't matter!" he said, mimicking her voice.
BINABASA MO ANG
The Michelin Hottie
RandomSagittarius Elliot del Ruiz has never begged anyone or even exert effort on having what he wanted in life. Anything he had has always been served in a silver platter- except for the only thing he was very familiar with since he was a child, his pass...