Chapter 12

236 114 1
                                    

"Wait, did you just said 'Sultan Greens'?" paniniguro ni Alexandria at binalingan ang binata. "The Sultan Greens?"

"Or what we, home owners, prefer to call as 'Datu Berde'." pagsu-supply pa ni Sagittarius. "Walk with me?" pag-i-invite nito at nauna nang maglakad. Sinundan naman niya kaagad ito.

"But how did you- how did we..?" napangiti ito sa kalituhang mababanaag sa kanyang mga mata. Ikinibit nito ang mga balikat at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong maong pants.

"I'm recently enlisted as a home owner here. Isaaq Luifranco, a buddy of mine that I believe you'd already met in Boracay, invited me once nang magpa-blessing ito ng bahay nito rito." he said. "I fell in love with the place kaya ayun at na-engganyo na rin akong gayahin ito at bumili ng magiging lungga ko rito. Dahil na rin siguro 'to sa peaceful neighborhood at sa location ng lugar. You know, a place where rural and urban were seemed to be in harmony." napatingala ito sa kalangitan and savored the feeling of fresh air caressing his face. "Maganda.. napakaganda."

"Yeah.. beautiful alright." she whispered as she stared at him with pure admiration. Ngunit umayos din naman agad siya at nag-iwas ng tingin nang mapabaling ito sa kanya. Tumikhim siya nang maramdamang mag-init ang kanyang mga pisngi.

Tama nga naman ang binata sa pinagsasasabi nito dahil ang Sultan Greens, ayon sa nabasa niya sa isang magazine, ay matatagpuan sa isang rural area kung saan napapalibutan ng napakagandang mountain range view at punong-puno ng nagtatayugang mga puno ng kahoy. Ang isang banda nga raw ng lugar na iyon ay ginagamit for recreational purposes ng mga naninirahan. Sa kabilang banda naman, kung saan sila naroroon, pinatayuan ng may-ari ng mga bahay kung saan nagsisilbing komunidad ng mga kalalakihan.

Sultan Greens Subdivision is a very prestigious place made for and dominated by men. It is a place free from the prying eyes of the reporters. Tanging mga lalaki lamang ang maaaring maging miyembro at nagkukuta sa naturang lugar na iyon.

And men who wanted to be a part of this community cannot easily be a member unless that particular person has the looks, the money, the fame, and whatever requirement the one in control is looking for on their prospect of future home owners.

The place was especially made for pure relaxation and unwinding. Sa lugar kasing iyon ay pinapahalagahan at binibigyang-diin ang secrecy ng bawat empleyado. Milyones nga naman ang ibinayad ng mga kalalakihang iyon katumbas ng katahimikan at kalayaan. Kaya nga walang sino man din ang mismong nakakaalam kung ano nga ba talaga ang makikita sa kabilang dako ng mga pader ng naturang subdivision maliban nalang sa mga miyembro, may-ari at mga nagtatrabaho roon.

Tons of issues and speculations were made. Na malamang sa malamang daw ay sex denbang naturang subdivision at ang may-ari mismo ang nag-o-operate ng sex slavery, kung hindi naman ay mga kasapi raw ng kulto ang nagtatago sa naturang lugar o kaya naman daw eh kampo raw ito ng mga baklang ayaw lumadlad. Ngunit kahit ni isa man lang sa mga naging komento ng madla ukol sa subdivision ay walang pinabulaan ang kampo ng Sultan Greens.

But there she is, walking in the middle of the road with Sage habang nagku-kwento ito, pure amazement written all over her face as she roam her eyes everywhere. The place was full of busy men. Some were leasurely walking in the streets with other men, others attending their bushes of santan that serves as fences. May ibang kung hindi naman nagkukumpuni ng mga sasakyan sa garahe ng mga ito ay pinapaliguan naman iyon gamit ang hose.

"How could this people be so.. normal?" biglang natanong niya out of amazement and curiousity. Naloloka at busog na busog na nga ang mga mata ni Alexandria sa pagpipyesta sa mga butihing regalo ng Diyos sa mga kababaihan na busy'ng-busy sa kung ano man ang mga ginagawa ng mga ito.

The Michelin HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon