Chapter 7

258 123 2
                                    

Tahimik lang na nakaupo si Alexandria sa upuan katabi ng mama at papa niya habang kumakain ng lunch. Ngunit paminsan-minsan ay patagong binabato niya ng matalim na tingin ang demonyitong si Sagittarius Elliot sa tuwing nagkakatama ang kanilang mga panigin na ginagantihan naman nito ng pa-inosenteng ngiti. Palibhasa kasi ay nandoon ang mga parents nila. Kung hindi lang dahil sa kanila, nunca nalang na mala-anghel parin ang mga ngiting mamumutawi sa makasalanang mga labi nito.

Saka lang ibinigay ni Sage ang damit na susuotin niya kanina nang masiguro nitong hindi na siya kasing bangis ng tigre. Pasalamat talaga ito at wala siyang ganang makipagkalmutan dito nang walang kahit na anong saplot sa katawan. And as usual, makalumang mga damit na naman ang ipinasuot nito sa kanya na nakagawian na nitong bilhin.

Ganoon ito palagi. Binibilhan nga siya ng mga damit, puro naman makaluma na para bang siya ang papalit sa pagiging first lady ng ina nito. Simula kasi nang tumaas ang alta-presyon ng Lolo niya- na nangungunang botante ni Sage pagdating sa pagiging magkasintahan nila- sa naging outfit niya sa ika-siyamnapung kaarawan nito ay ang binata na ang palaging namimili ng mga dapat niyang susuotin sa tuwing lalabas sila o may okasyon. Masyado kasing makaluma ang pamilya niya dahil purong intsek ang lolo at papa niya samantalang kalahating Koreana at Pilipina naman ang ina niya. Kaya nga ang pinakamamahal niyang mahabang buhok ay palaging nakapusod sa tuwing may mga gatherings o iba pang mga events kagagawan na rin ng hinayupak na binata. Pinakainaayawan niya pa naman iyon sa lahat kaya lang ay wala siyang magawa. Sadyang napakalakas kasi nito sa pamilya niya.

Sage is the only son of her very respectable Tito Jerome Oliver del Ruiz and Tita Joey Lin Louis-del Ruiz - the one and only President and First lady of the Philippines. Even though she hated Sage every time he cast a shadow of his dominance over her and control her in every way possible, she can't blame him for preventing his now ex-girlfriend from disgracing his family. Kapag kasi nasa sirkulo ka ng alta-sosyedad, lahat ng tao ay gagawin ang lahat masiraan ka lamang. And Sage himself is now making his name and now known as an international Michelin chef who has done wonders on the food industry. Mukhang siya nga lang yata ang walang pinapatunguhan ang buhay. Ano nga lang ba ang isang simpleng Pediatrician na kagaya niya?

"Hija, you're awfully quiet. Okay ka lang ba?" Lexa was dragged into reality as she heard her Tita-mama's voice.

Pilit na ngumti siya. "I'm fine Tita-mama." Iginala niya ang tingin sa mga taong kaharap niya. "Medyo stressed out lang siguro dahil laganap nanaman ang dengue sa mga bata ngayon at kinakailangan kong mag-overtime dahil isa ako sa tatlong resident doctors ng hospital. But I'm fine. Thanks for the concern though, Tita-mama."

"Is that so?" kunot-noo pa ring wika nito. Mukhang nag-aalala talaga ito sa kanya. Binalingan nito ang asawa. "Hon, i-remind mo nga ako mamaya. Tatawagan ko ang Baygon Company at uutusan ko silang magpaulan ng libreng insecticide. Maawa naman sila sa bansa 'no."

Nagpakawala ng hininga ang tito niya. "Maawa ka rin naman sa negosyo nila, Lin. Gusto mo bang maagang magsara ang kompanyang 'yon?" tanong nito.

"Kahit na, J.O." pagdadahilan nito at nang akmang sasagutin ito ng Presidente ay iwinasiwas lang nito ang kamay. Kahit na sino sigurong makakitang gawin iyon ng First Lady ay mapapasinghap sa pagkabigla ngunit sanay na sila sa weirdong paraan ng dalawa upang ipakita sa isa't-isa na nagmamahalan ang mga ito. "Di bale nalang. Kumuha nalang tayo ng pondo sa kaban ng bansa."

"Joey Lin." Saway ng tito niya.

"Edi wag. Di naman kita pinipilit eh." anito at binalingan nanaman siya. "Don't worry anak. Ano pa'ng silbi at naging pinsan ko ang kaisa-isang Duke of Cambridge na si Prince William Arthur Philip Louis? Kahit pa nga siguro atomic bomb ang hingin ko sa pinsan kong 'yon eh tiyak na pagbibigyan parin ako no'n. Perks of being the most favored cousin in the family." napa-iling nalang siya nang mapaglarong kinindatan siya nito. "Thanks tita." Tanging sagot niya.

The Michelin HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon