"Ang swerte niyo po Doctora!"
"Oo nga po, doc. Gwapo na, mayaman at masarap pa magluto ang boyfriend niyo! Bonus nalang na anak siya ng ating Presidente."
"Saan pa kaya ako makakakita ng tulad ng nobyo niyo, ano po?"
"Hanggang panaginip nalang siguro 'yang hiling mo, Stacey."
"Tingnan mo 'tong si Steve, pambasag ng trip." naka-ngusong puna ni Stacey.
"Nagsasabi lang ng totoo."
"Aba't—!"
"Guys, guys!" nakangiting awat ni Alexandria sa mga nurses. "Wag nga kayong magtalo. Besides, I don't know if you guys are aware of this but having Sagittarius as a boyfriend has also its downside too. As you all know, Sage's very famous not only in the food industry but to all of the women too. Maraming nali-link sa kanya. Hindi kaya kayo maloka sa kakaselos kung kayo ang nasa posisyon ko?" tanong niya.
"Eh ikaw, doc? Pa'no mo nakayanang hindi maloka?" tanong ng kakarating lang na si Andrew.
"Hi doc!" sabay-sabay na bati ng mga ito sa naturang doctor. Nginitian lang nito ang mga iyon na ikinakilig ng mga nurses maliban nalang sa mga lalaking nandoon na nag-ikot ng mga mata. Napa-iling nalang siya.
"Simple lang naman, Drew." ngising tugon niya.
"Oh?"
Inilapit niya ang mga labi sa punong-tainga nito na para bang isang napakalaking sikreto ang sasabihin niya rito. Umusog naman papalapit sa kanila ang mga nurses na maiging nakikinig. "Hindi ako nakiki-chismis." aniya at kinindatan pa ito. The nurses giggled in response. Inikot lang ng kawawang doctor ang mga mata. Halatang napahiya ito ng kaunti sa sinabi niya.
Nasa nurse station si Lexa sa mga oras na 'yon. Kakatapos lang kasi ng rounds niya sa kanyang mga pasyente. Matapos kasing hatdan sila ng lunch ni Sage ay masiglang nagsi-balikan na sa pagtatrabaho ang mga kasamahan niya. Ayun nga at ang plano niyang pag-i-idlip saglit ay tuluyan niya nang nakalimutan dahil sa walang humpay na pag-uusap nila ng mga kasamahan.
Sa loob kasi ng tatlong linggong pag-aalaga at pagmo-monitor nila sa mga bata ay wala nga namang kahit sinong nakapag relax. Miski nga tumawa o ngumiti man lang ay hindi nila magawa nang dahil sa stress, pagod at kakulangan sa tulog.
Thanks to Sage, kahit papaano ay napasiya nito sa kauna-unahang pagkakataon simula nang kumalat ang virus hindi lang siya kundi ang buong departamento nila. His food really made everyone happy as well as fuel their energy to survive the rest of the day.
"Alexandria Monique." napaigtad ang dalaga kasabay ng pagsikdo ng kanyang puso nang marinig ang napakapamilyar na boses na iyon. Lahat ng mga mata ay awtomatikong napatuon sa taong nasa likuran niya. She even heard some of the nurses gasped in utter surprise.
Alexandria slowly faced the man with a small smile playing on her lips. Syempre hindi siya nagpahalatang apektadong-apektado siya sa presensya nito. As she finally saw Sagittarius in the flesh after a long time, she was tempted to throw her arms in the air and hug the man. Tatlong linggo ba naman niyang hindi ito nakita. Sobrang missed na niya ito!
"Sagittarius." she greeted back and nodded in his direction in acknowledgement. She noticed his entire frame became rigid. Kung assuming lang talaga siya'y iisipin niyang para itong nobyong nagseselos sa kung ano mang kapilyahang ginawa niya.
"Hi Lexa." bati rin ng doctor na hindi niya napansing kasama pala ng binata. He gave her a comforting smile and a little wave.
"Christian!" she exclaimed. "What a surprise. At ano namang masamang hangin ang nagdala sa inyo sa teritoryo ko?" taas-kilay na tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Michelin Hottie
RandomSagittarius Elliot del Ruiz has never begged anyone or even exert effort on having what he wanted in life. Anything he had has always been served in a silver platter- except for the only thing he was very familiar with since he was a child, his pass...