Chapter 14

119 55 2
                                    

"Hoy." someone nudged Alexandria on the side. She didn't budge. She just kept her eyes closed for Sage to hopefully realize that she's in no good shape to wake up and start her day seeing his face. She mentally sighed. "Hoy, Alexandria." He's. Incredibly. Dense. She mentally sighed.

Gusto nang iikot ng dalaga ang mga mata. Kung hindi lang talaga siya nagtutulog-tulugan para lang lubayan siya nito ay matagal na niya itong kinarate palabas ng bintana ng kwartong iyon. Istorbohin daw ba siya? Manhid na nga ito sa nararamdaman niya para rito, pati ba naman sa pansariling pangangailangan niya ay magmamanhid-manhidan din ito?

She didn't have much sleep the other night. Buong gabi lang naman kasi silang naglaro ng tago-taguan ni Sage. Nalingat lang kasi siya saglit ay may kaharutan nanaman itong babae- na halatang guest lamang ng isa sa mga taga-subdivision. Hindi nanaman kasi siya nito naalala nang mawili ito sa pakikipag-usap sa isang mala-silicon barbie doll na babae. Kaya hayun at umalis siya at nagtampong-parurot ang madamdaming puso niya.

As a revenge for his negligence of her, naisipan ni Lexa ang magtago sa dilim hanggang sa makahanap siya ng paraan sa kung papaano siya makakalabas ng buhay sa lugar na iyon.

Hindi niya inaasahang dagling napansin ng binata ang pagkawala niya kaya ang nangyari, bago pa man siya nito makita ay kinailangan niyang mag-dive sa isa sa mga santan fences ng kung sino mang may-ari ng bahay ng napagdive-an niya. Alexandria then crawled and crawled and crawled until her arms and legs were filled with dirt, twigs and little rocks. She did that from one house to another.

'I can do this.. I can do this.. I can do this!' she chanted as she keep crawling. She doesn't even have time to be bothered and to be sorry on the santan bushes she just terrorized. She needed to get away and she has to as fast as she can!

Gapang lang siya nang gapang nang walang matinong direksiyong tinatahak. Kung hindi niya kasi idi-distract ang sarili ay malulunod lang siya sa selos. How pitiful of her. Heto siya ngayon at gumagapang para lang matakasan ang hinayupak na lalaking nasaksihan niyang may kalantaring iba.

Eh ano naman sa kanya? Para namang may nagbago kay Sage. Ba't nga ba siya tumatakas sa mga oras na iyon? At bakit siya naaapektohan ng lubos?

"What the hell are you doing, Alexandria?" she was stopped by a figure infront of her. Paa lang nito ang nakikita niya ngunit kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Awtomatikong dumagundong ang kanyang puso. Thankfully, she managed to stop herself from screaming in fright. 'Shit! Shit! Shit!' "Tumayo ka nga diyan." naiinis na sabi nito. He grabbed her by the shoulders and forced her to do so.

"Ano ba." angal niya at iwinisik ang mga kamay nito nang makatayo siya. "Eh sa trip kong mag santan adventure. Paki mo ba? Tsk." inis na wika niya. Naiinis siya hindi lang dahil sa natagpuan siya nito. Naiinis siya dahil kahit anong gawin niya, ang laki pa rin ng epekto ng presensya nito sa sistema niya. Hayan nga at kahit na hindi na nakahawak sa mga balikat niya ang mga kamay nito ay may nararamdaman pa rin siyang kakaiba sa lugar kung saan ito nakahawak kanina.

"Let's go home." he authoritatively said as he grabbed her hand.

"Ayoko." Awtomatiko siyang napapiksi ngunit mahigpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya.

"Bitiwan mo 'ko Sage. Ano ba?"

"Ayoko." panggagaya nito. At talagang iniinis siya ng talipandas!

Napabuntong-hininga nalang ang dalaga at sinikap na pahinahunin ang sarili. "How did you found me anyway?"

The Michelin HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon