Maghapong natulog si Alexandria at nagising lang siya ulit dahil sa kumakalam niyang sikmura. Matapos kasi siyang kaligtaan ng hinayupak na si Sage sa kalagitnaan ng ginagawa nitong pagto-tour sa kanya sa buong subdivision nang may makausap lang itong babaeng sexy ay walang paalam na nilayasan nya ito sa inis at lulumo-lumong bumalik na lamang ng bahay.
Muntik pa nga siyang maligaw dahil nga sa magkakapare-pareho ang disenyo ng lahat ng bahay sa bwisit na subdivision na 'yon. Kating-kati na siyang tawagan ang tita-mama niya at hilinging pabombahan ang lugar na iyon kung hindi nga lang talaga siya nasasayangan sa mga naggagwapuhang nilalang na naninirahan doon. Mabuti nalang at namukhaan nakita kaagad ang hugis bungong mailbox ng talipandas.
Ngunit nang makauwi rin naman si Lexa ay wala siyang ibang nagawa kundi ang magmukmok at imaginin ang dalawang taksil na nagtatawanan at naghaharutan sa kung saan. She was pissed of to herself for taking the cowards way and that she chose to not do anything about it. Kaya upang lubayan na siya ng makulit na parte ng kanyang isipan ay pinili na lamang niyang itulog iyon. Tatangkad pa siya kung saka-sakali. Wish niya lang talaga na maging higante siya sa isang tulugan lang at nang mapisa niya gamit ang isang kamay si Sage at ang babaeng kalandian nito. Nagseselos ba siya? Malamang sa malamang. Halata naman 'di ba?
She opened the door of Sage's bedroom and silently tiptoed her way on the kitchen. Naalala niyang ginising siya ng binata kanina at base sa naging tono ng boses nito ay galit ito. Kesyo bakit iniwan niya raw itong parang tanga sa labas at bakit ayaw niya raw kumain. Syempre, galit-galitan siya rito kaya pinanaig ng dalaga ang pride kahit nginangatngat na ng mga bulate niya sa tyan ang intestine niya. Hindi niya kinausap ito at pinilit ang sariling bumalik sa pagtulog. Napagod siguro ito sa pagtatatalak sa kanya kaya nilubayan din siya nito kalaunan.
Hindi niya alam kung nasaan si Sage o kung ano na ginagawa nito ngayon. Mamaya na niya iyon po-problemahin dahil ang mas mahalaga sa mga oras na iyon ay ang patigilin sa paghuhumiyaw ang mga alagang bitok sa tiyan. 'Oo na, oo na! Kalma lang at naghahanap pa ang amo niyo ng makakain.'
As Alexandria entered the kitchen, she realized she doesn't have to worry about food anymore. There laid in the glorious table, were diffirent kinds of food. It looked and smelled delicious. Her stomach growled again. She wanted to cry.
Nang mapatingin si Alexandria sa wall clock ay mag-a-alas dyes na pala ng gabi. No wonder her stomach automatically growled in protest after seeing the feist in the table. "Pasaway talaga." iiling-iling na komento niya habang nakatingin sa tiyan. Hinagod-hagod niya iyon. "Oo na po. Huwet lang naman po."
"Hoy, hindi para sayo yan."
"Ay, kabayo!" nabululan tuloy siya sa gulat. Agad na naghanap siya ng tubig.
Walang salitang dumiretso ito sa may sink at binuksan ang ref sa malapit. Nagsalin ito ng tubig sa baso at ibinigay iyon sa kanya. Mabuti nalang at binigyan siya binata. May kabutihan pa palang natitira sa sistema nito. "Goodness, Sagittarius! Do you have to do frighten me?" iritang binato niya ng tingin ang binata. Her heart leap in surprise and her cheeks automatically burned in embarrassment . He just literally caught her eating and enjoying his food for goodness' sake! Ang akala pa naman niya'y wala ito sa bahay at nasa kamay pa rin ito ng babae nito.
Ikinibit lang nito ang mga balikat at kumuha ng gatorade sa ref at tinungga iyon. Habang umiinom ito ay nararamdaman niyang nasa kanya ang buong atensiyon nito na para bang inaasahan na siya nitong tumakbo anumang oras.
"What?" hindi niya matiis na itanong nang tunaw na tunaw na talaga siya sa titig nito. Lumapit ito sa kanya. Kinabahan siya kaya napaatras siya ng konti ngunit napigilan din naman siya nito nang hapitin nito ang bawyang niya. Her heart went wild at the sudden connection. Binulungan sya nito. Kukumbolsyunin yata sya sa ginagawa nito. Peste talaga!
![](https://img.wattpad.com/cover/27469343-288-k867771.jpg)
BINABASA MO ANG
The Michelin Hottie
RandomSagittarius Elliot del Ruiz has never begged anyone or even exert effort on having what he wanted in life. Anything he had has always been served in a silver platter- except for the only thing he was very familiar with since he was a child, his pass...