Chapter 5

264 130 0
                                        

"Alexandria, wait!" sigaw ni Sage nang makahabol sa kanya. Hindi niya ito nilingon at dire-diretsong pumasok sa elevator nang bumukas iyon. Dali-dali niyang pinindot ang ground floor button ngunit mabagal itong sumara. Konting-konti nalang sana at matatakasan na niya ang binata ngunit mabilis na nai-harang nito ang kamay sa papasarang elevator.

Nararamdaman niyang unti-unting sumisikip ang dibdib niya at gusto na niyang umiyak. Gusto niyang iiyak ang lahat ng frustrations niya sa buhag. Gusto na nga niyang sumigaw at maglupasay ng bonggang-bongga sa harap nito ngunit hindi niya magawa. Sobrang ka-dramahan naman na iyon at magmumukha lang siyang katatawanan sa harap nito. Minabuti nalang ni Lexa na panatilihing blanko ang mukha hanggang sa makalabas sa establisyementong iyon.

Habol ng binata ang hininga. Hinarang kaagad nito ang mga kamay sa pintuan ng elevator upang hindi tuluyang magsara. She saw his happy-go-lucky facade slowly crumbling into pieces. He was panicking and she wondered why. He's a free man now. What else does he want? Napabuntong-hininga nalang si Alexandria nang patuloy lang siyang titigan nito. "Sage, let go of the door. May balak ka bang sirain ang elevator ng hotel mo?"

Unti-unting nagdilim ang paningin nito sa sinabi niya. Now what did she do wrong? "To hell with the fucking door, Alexandria!" he growled.

Napakunot-noo siya. "Now, what do you want from me, Sagittarius?"

"Gusto kong bawiin mo ang mga sinabi mo kanina."

Napapikit siya at ninamnam ang sakit ng pagkakapiga ng puso niya. Kung alam lang talaga nito ang nararamdaman niya ngayon. He looked miserable and she's feeling miserable too for making him feel that way. Uma-acting lang ba ito? Dina-dramahan nanaman siguro siya ng talipandas! Di porke't hindi niya matiis ang mga ka-dramahan nito sa buhay ay hindi na niya ito matitiis habang-buhay 'no! 'Amang mahabagin, bigyan Niyo po ako ng lakas upang hindi masakal ang lalaking ito sa harapan ko!' Kinalma na muna ni Alex ang sarili bago magsalita. "Sage, I'm sick and tired of playing this game for the millionth time. Marunong din naman akong mapagod." naikuyom niya ang mga kamay sa pagpipigil na masuntok at mabura sa mukha nito ang ipinapakita nitong ekspresyon na ayaw niyang makita- kalituhan.

Alam niya ang kinakatakuan ni Sage sa buong buhay nito. He's afraid of the unknown. At dahil sa naramdaman nitong gusto na niyang kumalas ay natatakot ito. Ayaw nitong may magbago dahil sa nasanay na ito sa set-up nila. Ayaw nito ang pakiramdam na may nababago sa paligid na nakasanayan nito at kakailanganin nanaman nitong tumuklas ng paraan upang manatiling balanse ang mundong binuo nito para sa sarili. Ayaw nitong tumuklas maliban nalang kung may kinalaman iyon sa pagluluto.

"You're always taking me out and flash me to your friends. And then when you get bored, you'll look for someone and eventually find a girl victim that you never intended to remember the name. You get them hooked. You always do. Then suddenly, when they're expecting you to commit, you suddenly wanted to stop and disappear as soon as possible."

"That's because I have a girlfriend! I have you.." pangangatwiran nito. "Do you want me to be in a romantic relationship with others when I'm still with you?"

"You've got to create some excuse that's much colorful than that, Sage." she said, rolling her eyes. "You always have to use me. That's why you don't want me to leave you. Because you don't want to commit. You're not ready for a commitment. Ako palagi ang ginagamit mong instrumento upang itaboy silang lahat at paiyakin." aniya rito. "Hindi mo naman siguro ine-expect na ganito nalang tayo habang-buhay diba? Because believe me, as much as I'm enjoying this status of ours, gusto ko na rin maghanap ng totoong maibo-boyfriend, Sage. Gusto ko rin ma-experience na magharap ng totoong boyfriend sa mga magulang ko."

The Michelin HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon