Chapter 15

198 57 0
                                    

"Go away" wika ni Alexandria habang nakapikit ang mga matang umiihi. Alam niyang si Sage lang namn ang walang-ibang nang-iistorbo sa pagmumuni-muni niya. Wala pa naman siya sa mood para makipagsabunutan dito sa oras na iyon. "Not again.." narinig pa niyang nagmura ito.

Napangiti siya. Ilang beses na kasi niyang nauunahan sa banyo ang binata at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagtatanda. Ewan nga ba niya kung tanga lang ba ang huli o di lang talaga nito maintindihang trono niya ang banyo sa umaga.

He left her in peace but after a minute or two, kumatok nanaman ito. This time, a little bit louder. Napabuntong-hininga nalang siya. "I said, go away!"

"Open the door, Alexandria." he said, his voice urgent. Sa bahay kasi nitong iyon, isa lang ang kwarto at nag-iisa lang din ang banyo. Ganoon daw talaga ang pagkakadesign niyon noong nabili nito ang bahay. Mandatory ng subdivision ang ganoon since sa parteng iyon ng sub ay pulos mga bachelor ang nakatira. Para naman sa mga dinadalang mga bisita ng mga home owners doon, may guest house naman na matatagpuan malapit sa may clubhouse na maari nilang tirhan sa buong stay nila sa Sultan Greens. Sa lugar na iyon din matatagpuan ang sentro ng mga state-of-the-art-facilities ng subdivision na iyon.

The place has its own grocery store, clinic, restaurants and coffee shops and of course, the club house, wherein the center of life of all the people in Datu Berde is found.   

"No."

"Open the fucking door and let me pee!"

"Sumabog man 'yang pantog mo-sana nga- wala parin akong balak na pagbuksan ka hanggang sa matapos ako rito, Sage." balewalang sagot ni Lexa at nagsimula nang magtoothbrush.

Suits him right for all he'd done to her. But that's not all. She's just getting started. She thought with a satisfying smirk in her lips.

"Alexandria Monique Vicencia! Pagbuksan mo ako kung ayaw mong sirain ko ang pintong 'to!" he shouted as he pounded the door  harshly. "Ilang beses mo na ba 'tong ginawa? Atsaka, ano bang ginagawa mo sa banyo at ang tagal-tagal mong lumalabas?"

"Uhh.. nagdarasal?" pilosopang tugon niya. "Duh? Obvious ba?"

"Alexandria ano ba?"

"Anong 'ano ba?'" maang na tanong niya rito at binato ng masamang tingin ang pintuan. "You kidnapped me so deal with it."

"I'm serious, Alexandria."

"The hell you are!" bulyaw niya. "Leave me alone! Pwede ba?"

"Why would I? Bahay ko 'to at banyo ko ang ginagamit mo."

"Wakompake."

"Just let me pee for a second. Come on, Lex."

"No."

"Have some humanity and let me pee! God, woman!"

"No."

"Are you kidding me? Wala na ba akong karapatang mag-cr sa sarili kong banyo?"

"Well, if you must know, I'm still using it genius!"

"And how fucking long am I going to wait?"

"Until I'm fucking done!"

"You're testing my patience, Alexandria." he darkly said. "Konting-konti nalang talaga.."

Iniluwa niya ang bula ng toothpaste at asar na nagmumog. Hindi niya ito pinatulan sa banta nito.

"I'm going to count up to three, Alexandria. And if you're not done until then, you leave me with no choice but to haul you in your ass and throw you off to the nearest cliff." nagpipigil na wika nito. "Isa.. Dalawa.. Tat-" bago pa man nito totohanin ang banta ay busangot na pinagbuksan niya na ito ng pintuan.

The Michelin HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon