Chapter 4

323 128 8
                                    

"You're nuts." Bungad ni Alexandria nang pasukin niya ang opisina ni Saguittarius Elliot sa five-star hotel and restaurant nito sa Boracay kung saan panandalian itong nagkukuta upang makatago lang sa kanya. She threw him a stern look.

"Good morning, Alexandria. How lovely to see you!" Bati nito. Ang kanina'y shock na nakarehistro sa pagmumukha nito'y napalitan na ngayon ng amusement.

Isinalampak niya ang dalawang kamay sa malapad na mahogany table. "What the hell, Sage?" Dumagundong ang boses niya na ikinangiwi nito. "How many times should I ever tell you to not to give my phone number to your filthy little dolls?" kung posible man ay mas lalo pa itong napangiwi sa sinabi niya. "How many times, Sage? How many times! I'm sick of this! Darn sick of this! Kada-ring nalang ng phone ko, babae mo ang kausap ko. Aba, naggagaguhan ba tayo rito del Ruiz? Dinaig ko pa ang sekretarya mo sa katatanggap ng calls sa mga 'kinliyente' mo ah!"

Binato ni Alexandria ng masamang tingin ang kung sino mang impaktitong tumikhim at gumawa ng ingay habang minu-murder niya pa gamit ang mga mata si Sage. Ngunit hindi lang pala isang tao ang naroroon kundi tatlo. Kilala niya ang mga ito dahil isa sa mga bisitang naroroon at nakikitambay sa opisina ng nobyo-nobyohan niya ay ang boss niya. Namumukhaan niya rin ang dalawang natira dahil sa kamakailan lang ay na-i-feature ang mga ito sa Metro Clique Magazine-kung saan nagtatrabaho ang nag-iisang pinsan niya sa side ng papa niya.

There, lazily sitting on the couch were three of the branded 'Gwapogis'.

Her boss, Christian Laurent 'Carl' De Avilla, CEO of de Avilla hospitals Incorporated- where she's currently working as his resident pediatrician, was sitting near Sage's table. He's a famous neurosurgeon too and he runs his hospitals all over the country. Nagpa-plano pa nga itong magtayo ng marami pa sa mga probinsya upang makatulong sa mga mahihirap.

Beside him was Isaacq Cen 'Ice' Luifranco, a pure Filipino who had taken over the Luifranco Construction Company at an early age, and the man who is recently branded as 'The Ultimate Alpha Snob'. Kilala rin ito hindi lang sa sariling achievement nito sa pagpapalago ng kompanya ng pamilya nito ngunit dahil na rin sa apelyido nito. He's a 3rd generation Luifranco, isa sa apat na founding families na kinatatakutan at kinaiilagang makabangga ng sino mang may maayos na pag-uutak sa business world.

And there's Axen Lycan 'Axe' Mereilles, owner of a toy company that supplies stores and malls all over the world. He has the biggest toy company in the continent.

The four of them, including Sage, was a force to be reckon with. Kung ano man ang ginagawa ng mga ito sa iisang silid ay hindi niya alam.

Bumuka at sara lamang ang bibig ni Alexandria sa realization na iyon. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. How on earth did Sage knew these men? Samantalang ang tanging magkakapareho lamang sa mga ito'y na-ifeature ang mga ito sa iisang magazine, sa Metro Clique, na pinagkakaguluhan na ngayon ng mga tao- ayon na rin sa pinsan niya.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nagkakagulo ang sambayanan at nagkakaubusan ng magazine ang publishing company nang nasabing company dahil sa marami ang gustong makakuha ng kopya ng nasabing magazine. Recently lang kasi pinabulaan ng kampo ng Villejas Publishing Company, mismong boss ng pinsan niya, ang kumakalat na rumor na ipi-feature nila sa business section ng magazine nila ang unang mga nai-feature na Gwapogis na unang nakaranas sa lahat ng maaaring maranasan ng isang hinirang na 'Gwapogi'.

Ano nalang kaya ang sasabihin ng pinsan niya kapag nalaman nitong nahuli niyang magkakasama sa iisang kwarto ang apat sa sampung napakailap na hinirang ng mga itong mga 'Gwapogis'?

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Alexandria sa tatlong binata sa couch at kay Sage. Magkaiba-iba ang ekspresyong nakarehistro sa mga mukha ng mga ito. Her boss, a naturally kind person, smiled at her and looked glad to see her. Axen was making an effort of maintaining the exagerated and overly bright smile on his face. While Ice has lived up to his name. His face was impassive and his looks towards her was flat. Nakita pa niyang pasimpleng siniko ito ng katabi nito na dahilan upang batuhin nito ng masamang tingin ang nasabing katabi.

The Michelin HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon