"Goodmorning sweetheart." bati ni Sage sa kaniya pagkamulat na pagkamulat niya sa kanyang mga mata. His face was hovering on hers at gahibla nalang ang layo ng mga mukha nila sa isa't-isa. Awtomatikong napatili siya ng dahil doon at natadyakan pa ito dala ng pagkagulat.
Hindi naman inaasahan ng huli ang ginawa niya kaya nawalan ito ng balanse at dire-diretsong lumagapak sa sahig na nagdulot ng malakas na kalabog. Napadaing nalang ang huli sa sakit.
"Aray.. napakasadista mo talaga kahit kelan babae ka." reklamo ni Sage sa kanya.
Sino naman kasing nilalang na nasa matinong pag-iisip ang magtatangkang gulatin siya sa umaga? Nakapatong pa ang siko nito sa higaan at doon nangalumbaba na para bang nagpo-pose ito para sa isang Calvin Klein photoshoot. Parang wiling-wili pa nga ito sa kapapanood sa kanya habang natutulog siya base na rin sa pagkakangisi nito. What's he's problem, anyway?
"What the fuck are you doing?" she asked, her heart was racing like it's in a marathon or something. Itinaas niya ang kumot hanggang sa may leeg niya.
"I was just trying to wake you up." nakahilata nang sagot nito. "I didn't know you were that brutal." wika pa nito habang hinihimas-himas ang nasaktang likod. Alexandria's heart was suddenly clouded with guilt for inflicting pain on him no matter how much he deserved it.
"Do you have to be so near me? Kulang nalang kainin mo ng buo ang pagmumukha ko." pagdadahilan niya at binato ito ng masamang tingin nang pagtawanan siya nito. "Pinagnanasaan mo ba ako, ha, Sage?"
Natigil ang pagtawa nito sa sinabi niya. Inikot nito ang mga mata. "Come on, Alexandria. You must be dreaming still." wika nito. "Never would I fantasize a drool-faced girl." napasinghap siya sa sinabi nito at agad na dumapo ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig. 'Teka, wala naman ah? Pinaglalaruan nanaman ba ako ng mokong na 'to?'
Nang ngumisi ito ay doon nga nakumpirma ang hinala niya. Binato niya ito ng unan sa sobrang panggigigil at inis. Ngalingali talagang ibitin niya ito ng patiwarik sa pinakamalapit na bangin! Peste talaga! "Mukha mo!"
"Gwapo syempre." he easily caught the pillow she threw thanks to his quick reflexes. Tumayo na ito at pinagpagan ang maong pants na suot.
Napakunot-noo ang dalaga nang mapansin ang kabuuan ng kwartong kanilang kinaroroonan. It shouts 'maleness' all over if there is such a thing. Halatang lalaki ang okupante niyon kaya nagtataka siya kung ba't siya naroroon. But when she remembered how he kidnapped her the other day, hindi na siya magtataka pa kung dinala man siya ng binata sa bunganga ng bulkang taal. "Kwarto mo?" tanong niyang habang inoobserbahan pa rin ang kapaligiran.
"Uh-huh." simpleng tugon nito at tinungo ang malaking aparador sa gilid. Binuksan nito iyon at tumambad doon ang mga damit nito.
"So.. where are we exactly?"
"Secret." mapaglarong sagot nito.
"Really, Sage?"
"Really." she frustratedly sighed and just dropped the subject. Sasakit lang kasi ang ulo niya eventually kapag pinatulan pa niya ang trip nito. Nakakaloka.
But then suddenly, Alexandria's eyes bulged in pure awe and fascination as he took his sando off in one swift motion. Parang mawawalan na yata ng ulirat ang dalaga habang pinanonood ang pagpapasiklaban ng mga maskels nito sa likod! 'Good Lord!' nasambit niya at nag-sign of the cross sa isipan. 'Dayuum! Since when did he acquired such hot bod?'
"Bibig mo, Monique, nakaawang." puna nang binata nang hindi siya nililingon. "Isara mo at tulo laway ka pa naman." kaagad namang sumikdo ang kanyang puso nang marinig ang boses nito. Doon lang siya natauhan nang marinig niyang pinagtatawanan nanaman siya nito. Napaayos siya ng upo at kaagad na isinara ang bibig. 'Nalagot na! Minsan ka na nga lang kung magnasa, Lexa, buking pa! 'Nu ba yan!'
Paghihinalaan na sana niya si Sage na rumaraket bilang isang mind reader kung hindi nga lang talaga nahagip ng kanyang mga mata ang full-length mirror na nakadikit sa isa sa mga pintuan ng cabinet nito. Kitang-kita niya roon ang nakakalokong ngisi ng binata bago nito isinuot ang pamalit na damit. 'Anak ng Ebola ka naman talagang binata ka, oo! Huwag mo na nga akong akitin at mahina bagay lang 'tong puso ko! Por favor!' paghuhumiyaw niya sa isipan. Hindi na talaga ito nahiya at pinagma-marathon nanaman ang kawawang puso niya.
Binato niya ito ng masamang tingin bago siya nakahalukipkip na nag-iwas ng tingin dito. Damn him for rendering her speechles just by showing off his back! And damn him for not turning around so she could have a good look on how many 'monays' he could offer to her feasting eyes!
Napansin ng dalaga nang dahan-dahan siyang nilapitan ng binata nang may mapang-akit na ngiti sa mga labi. "W-what are you doing?" hindi ito nagsalita at patuloy lang na umaabante. Napaatras naman nang napaatras ang kanyang katawan hanggang sa lumapat na nga ang kanyang likod sa malambot na kama. "H-hoy!"
Napapikit nalang si Alexandria nang gahibla nalang ang lapit ng mga mukha nila. "Pinagnanasaan mo ba ako, ha, Lexa?"
"Mukha mo. Hindi ah." kaila niya.
"Alam mo, libreng-libre naman talagang magnasa sa akin eh."
Bigla niyang naimulat ang mga mata sa sinabi nito. "Talaga?" Curious na tanong niya. Huli na nang marealize niya ang pinagsasasabi niya rito. Lumalabas pang binabawi niya ang sinasabi at pinagnanasaan niya nga ito kani-kanina lang! 'Anak nang-! Dalagang Pilipina ka ba talaga, Alexandria? Naman!' sermon ng isang boses sa likod ng utak niya.
He smirked. "Gwapo naman ako, macho, marunong magluto, mayaman, may maraming car.. so, yeah." kibit-balikat na tugon nito, he's breath fanning her face. Napapapikit nalang ang dalaga sa tuwing nagsasalita ito. Napalunok siya. 'Libreng offer na 'to. Kakagatin ko ba?' Gusto nang batukan ni Lexa ang sarili sa kung ano-anong kamunduhang naiisip niya. "But if only.."
"Only what?" she breathlessly asked. Dahan-dahang ibinuka niya ang kanyang mga mata. 'Is he going to kiss me?'
"Pakasalan mo muna ako."
'Pakasalan mo muna ako.. Pakasalan mo muna ako.. Pakasalan mo muna ako.. Pakasalan mo muna ako.. Pakasalan mo muna ako.. Pakasalan mo muna ako..' Sage's last words kept ringing on her ears. 'Makakaya ko ba?' tanong niya sa isip.
'Oo naman.' someone inside her answered without hesitation. 'Diba nga matagal ka nang may gusto sa kanya?'
Lumakas ang pagdagundong ng kanyang puso kasabay ng konklusyong iyon. Ngunit kaagad din siyang nagising sa pagkakahipnotismo nang dahil din doon at malakas na ipinagtulakan ang binata. "Ewan ko sayo."
Napapalatak ito sa sagot niya at nakapamaywang na tinitigan siya. Nanunuot ang mga titig nito sa kaloob-looban niya kaya nagsalita siyang muli. "Sage, napapaghalata ka. Wag ganyan, natutunaw ako." he snorted at her comment at nilayasan nalang siya. Nakahinga naman si Lexa ng maluwag nang dahil doon. Sa panahong iyon lang niya narealize na pinipigilan na pala niya ang kanyang paghinga.
Humiga siyang muli sa napakalambot na kama nito at ipinatong ang isang braso sa mga mata. Ewan ba niya ngunit may kung anong pwersa sa kanyang kalooban ang hindi mapigilang mapangiti sa eksena nilang iyon ng binata. Kinikilig ba siya?
'Syet lang! Oo na, oo na! Suko na 'ko! Kasalanan ko bang hindi ko kayang tikisin ang hinayupak na 'yon?' pag-amin niya sa sarili. 'Mukhang ang lakas nga yata ng tama ko sa gunggong na 'yon ah.'
He only showed some skin for goodness' sake! And now every part of her system were shouting for her to gamble her heart once more. Ano pa nga ba ang magagawa niya kundi ang pumusta? Ngunit bago pa yata nito mapasuko ang kanyang puso ay baka mauna pang sumuko ang panty niya sa kakatitig sa katawan nito. Kung sana nga lang ay palagi itong magla-live show sa harap niya, eh di tapos ang usapan! I do kung I do! Nakangiting isip-isip ni Alexandria at dinampot ang unan na amoy pabango na binata. 'Haaaay buhay, parang life. Hmmm ambango!'
BINABASA MO ANG
The Michelin Hottie
RandomSagittarius Elliot del Ruiz has never begged anyone or even exert effort on having what he wanted in life. Anything he had has always been served in a silver platter- except for the only thing he was very familiar with since he was a child, his pass...