Chapter 11

215 115 1
                                    

"So where is 'here' exactly?" frustrated na pagtatanong ni Alexandria kay Sage. Mabuburyong na yata siya sa kaka-urirat niya rito ng impormasyon sa kung nasaan na nga ba talaga silang panig ng sangkalibutan naroroon.

Haay, paano niya kaya ito natutunang magustuhan noon kung gayong mas matigas pa pala ang ulo nito kaysa sa Oscar's trophy? "You'll know."

Napabuga nalang siya ng hangin. "Puro ka nalang you'll see, you'll know, here, there, everywhere!" pagrereklamo niya at iwinasiwas ang kamay sa ere. "Wala ka talagang balak na bigyan man lang ako ng kahit katiting na hint kung papaano ako makakatakas 'no?" nakahalukipkip na tanong niya at saglit na napahinto sa pagkain.

Nasa kasarapan sila ng pag-uumagahan ni Sage. Kanina pa nga niya ito kinukulit sa pagbibigay ng impormasyon kung nasaan sila ngunit wala pa ring effect ang charms niya rito. Nginitian siya nito ng magiliw. "Nope. Not unless you accept my proposal and marry me."

"Wait, wait , wait lang." pagpapahinto niya rito at itiniis ang isang kamay. "Sinabi mo bang 'proposal'? Kelan ka ba nag-propose?" tanong niya at bumalik sa paglantak ng agahan. Magaling kasing magluto si Sage at sa tingin niya, ito na ang the best cook in the whole world. Ginaganahan siya palagi kapag luto na nito ang nakalatag sa mesa. Pero syempre, hindi niya iyon aaminin dito kahit na mamatay man ang mga kuko nito sa paa.

He sighed then rolled his eyes. "So, will you marry me?" malapit pang mabilaukan si Alexandria sa tanong nito. For God's sake, hindi siya prepared!

Mahinahong inilapag niya ang mga kubyertos sa mesa at bumilang hanggang sampu upang pakalmahin ang kanyang nagwawalang puso. Muntik pa siyang ihitin ng ubo nang dahil dito kung hindi lang talaga niya nalunok ang mga kinain niya. "No."

"What?! Why?" ang walanghiya! Mukhang gulat na gulat pa ito sa naging kasagutan niya eh napaka-obvious naman ng sagot.

"Secret."

"Alexandria." he said in warning.

She shrugged. "Pag-iisipan ko."

"Will you marry me?"

"Hmm.. still thinking.."

"How about now?"

"Gee, how romantic."

"Now?"

"Atat much?"

"Will you marry me? Will you marry me? Will you marry me? Will you marry me? Will you marry me?" natawa siya nang dahil doon. "Para kang bata."

"Pinagtatawanan mo ba ako?" he threw dagger looks at her direction.

"Ewan ko sayo."

"Ano na nga?" he urged. "Sige, hindi ka makakaalis dito." pananakot pa nito.

"So you're threatening me just so I'd marry you at pagbigyan ang kapritso ng mga lukring nating mga magulang?" taas kilay na tanong niya. "Aba, higit pa pala sa kidnapping ang maaari kong isampang kaso laban sayo, Sage."

Napahinto ito saglit na para bang nag-iisip pagkatapos ay ikinibit ang mga balikat na parang balewala nalang dito ang sinabi niya. "Bahala ka. Trip mo naman 'yan. Iyon eh kung makakalabas ka sa lugar na 'to ng buhay." ngising wika nito.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong niya rito.

Tumawa ito ng pagak. "Akala mo ba hindi nangangain ng mga katulad mong babae ang mga kapit-bahay ko rito?" tanong nito. "And let's not forget the state-of-the-art facilities here. Mahigpit ang security. Mahirap tumakas. Sa tingin mo, makakatakas ka ng ganun-ganon nalang? Come on, Alexandria. Be real! You know you cannot get out of this place unless I said so."

"Oh yeah?"

"Yeah."

Bigla siyang tumayo. "Oh, sa'n ka pupunta?"

"Kukuha lang ng gas at posporo at nang masunog kita ng buhay dito sa bahay mo." aniya at dire-diretsong lumabas ng bahay nito. Ngunit nawalang parang bula ang lahat ng mga umiikot na plano sa utak ng dalaga nang mapagmasdan niya ang buong komunidad pagkalabas na pagkalabas niya sa mababang gate nito. "Shit." napamura siya habang iginagala pa rin ang paningin sa paligid. "'San to, Camella Homes?"

Her heart leap on its own as she heard Sage's familliar laugh. "Surprised?"

Sino nga bang hindi masu-surprise? Where is she anyway? Ang weird-weird ng community na iyon. Imbis kasi na magpa-bonggahan ang mga ito ng mga bahay ay simpleng western-styled wooden houses na may wall-to-ceiling windows lamang ang mga nakikita ng mga mata niya. It's very simple yet sophisticated. Hindi niya ma-pin point kung ano ang nagustuhan niya sa design ng mga bahay pero sa kaloob-looban niya, she felt at ease. Para bang napaka-homey ng feeling?

Binato niya ang binata ng matalim na tingin. "Ano to, Sage? Joke ba 'to? Bakit.." pinagtututuro ni Alexandria ang mga nakahilerang bahay pati na rin ang bahay ng binata. "Bakit pare-pareho lahat ang bahay dito? Pati kulay, hindi sinanto. Wala ba kayong originality?" natawa nanaman ito sa komento niya.

"Ah, sweetheart. I just knew from the very start that you're perfect for this place."

"Anong perfect? Ibig sabihin, wala rin akong originality?" nakamatang tanong niya rito at namaywang. "Excuse me 'no, ayokong manirahan sa isang bahay na.. na.. na hugis bungo ang mailbox!" aniya at itinuro ang mailbox nito. "Ayoko dito. Maliligaw lang ako!"

Iisang disenyo lang kasi ang mga bahay doon at mai-di-distinguish lang yata ang mga bahay sa isa't-isa sa pamamagitan ng mga mailboxes ng mga ito na magkaiba-iba at makukulay ang mga disenyo.

Higit pa sa pakiramdam na makapasok sa Chocolate factory ni Willie Wonka ang peg niya ngayon. How and why did Sage brought her to that unusual place, she didn't know. But one thing's for sure. She cannot risk herself staying here in a long time. Ang puso niya, papaano nalang?

Napailing nalang ang binata sa katigasan ng ulo niya. Ngunit sa halip na kontrahin at pigilan siya nito sa pagsasabog niya ng kapintasan sa paligid ay iminuwestra pa nito ang mga bahay na parang proud na proud itong maging citizen doon. "Welcome to The Sultan Greens, Alexandria."

The Michelin HottieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon