(1) Dagat

708 16 2
                                    

Habang ako ay tumitingin sa magandang karagatan,
Naisip ko bigla ang ilan sa aking mga naging karanasan.
Kay tagal na rin ng tayo ay hindi nagkita at nagkasama
Dahil sa panahong ito, ako siguro'y kinalimutan na.

Naaalala mo pa ba ng sinabi mo saken,
Mga kataga mong lalong nagpasaya saken
Tinitigan kita at may tanong sa aking mga mata
'Aakyat ako doon kasama ka at doon ko isisigaw na mahal na mahal kita'

Ngunit ano na ang nangyari sa iyong mga salita?
Naihip na ba ng hangin at napunta na lang sa wala?
Hindi na malaman kung saan napunta,
Inagos ng alon at nawala na lang bigla.

Ilang taong umasa sa madamdamin mong salita
Sa mga pangako mong, sa isip ko parati'y nakatala
Ilang taong naghintay dahil akala'y ikaw ay magbabalik
Pero nasaan ka na nga ba at hindi na sa akin pumanhik

Siguro'y hindi sapat ang oras na ibinigay sa atin noon
Kailangan na lang sigurong tanggapin ang wasak na kahapon
Sa lawak ng dagat, na kasing lawak ng pag-ibig ko sayo,
Ay singlawak din ng mga taong pwedeng umagaw sa pag-ibig mo.

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon