(48) Aalis

24 3 0
                                    

Ang sakit isipin na permanente ka ng lilipat sa lugar na iyon.
Pero mas masakit pa ring isipin,
Na hindi mo pa rin ako kinakausap hanggang sa ngayon.
Aalis ka ng wala man lang paalam,
Aalis ka sa petsang hindi ko man lang alam.
Gustong-gusto kong kausapin ka, ngunit paano?
Andaming naguudyok sakin na lumapit ako sayo.
Pero, dahil sa lecheng kaba at hiya, parang bigla na lamang tumitiklop.
Lahat ng lakas ng loob at paninindigan, parang hinihigop.

Paano ba? Kelan ba? Bakit ba?
Paano ba kita makakausap?
Paano ko ba masasabi sayo ang lahat?
Kelan ba kita mayayakap?
Kelan makakasama sa harap ng maalat na dagat?
At bakit ba, ang tanga-tanga ko,
Hindi ko na lang sana ipinagpatuloy ang nararamdaman ko.
Hindi na sana ganito kasakit.
Hindi na sana ganito kahirap umalis sa pagkakapit.
At hindi sana ganito, kung hindi ka na lang aalis

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon