HAHAHA. Dagdag ko lang po ito. Sayang kase. Haha. Unspoken poetry kase, binase ko lang dun sa title😂 pis.
----------
Habang nakatingin sa malawak na karagatan. Naisip ko nanaman ang nakaraan. Nakaraan kung saan tayong dalawa ay nagkakamabutihan at parang tayong dalawa lamang ang nagkakaintindihan. Puno ng matatamis na ngiti na wari mo'y isang kendi kung ito ma'y matitikman. Masasayang halakhakan at ala-ala ang ating pinagsaluhan sa harap ng napakalawak na karagatan. Ang mga pangako mo sa akin na iyong sinambit habang nakatingin sa maliwanag na kalawakan. At ng ikaw ay tumingin sa aki'y nakita ko ang kasiyahan sa iyong matang kumikislap na parang tubig sa maalat na karagatan. At ito. Ito ang nagudyok para sa akin para isipin na meron ka ring pagtingin sa akin ngunit ako pala ay nagkamali. Nagkamali dahil pala ng iyon ay isa lamang palabas. Isang palabas na tinangkilik ko. Ngunit sa huli, tulad ng palabas ay matatapos din talaga ang lahat.At heto na nga. Natapos na ang lahat sa isang salita. Mali. Wala palang salita. Dahil nagmistulan kang pipi na wala man lang sinabing kataga. Kataga na tumutukoy sa iyong natatanging dahilan. Natatanging dahilan kung bakit mo ako iniwan. Kung bakit mo ako pinagmukhang tanga. Kung bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring sinasabing kataga. Kung bakit hanggang ngayon sa iyo pa rin ako nagpapakatanga. At kung bakit sa tuwing dumadaan ako sa iyong harapan ay para lamang akong isang hangin. Isang hangin ngunit mo nararamdaman.
Ngunit kahit anong mangyari, ito lamang ang iyong tatandaan. Na kahit anong gawin mo, mahal na mahal kita. Ang tanga lang diba? Oo. Dahil sa pag ibig marami talaga ang nagpapakatanga! At itatak mo sa iyong isipan na ang pagmamahal ko saiyo ay kasing lawak ng karagatan. Ang karagatan na naging saksi sa ating sumibol na pagmamahalan. Pagmamahalan, bilang isang natatanging magkaibigan.
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Kay J
PoesiaI dedicate this compilation to my long time crush, J. I wish he can at least read this. After 5 years of being addicted to him, i finally let go and accept that our memories stays behind and we aren't meant to be. This is a TAGALOG/ENGLISH Compilat...