(65) Para Sayo

20 1 0
                                    

Isa, dalawa, tatlo... Hanggang ngayon naghihintay sayo.
Apat, lima... Ano bang pinagkaiba ko sa kanya?
Anim, pito... Ano ang dahilan, bakit ako niloko?
Walo, siyam... Lalaban sana ako, pero parang mas gusto mong mamaalam na lang ako.
At sampu.. Hanggang doon na lang ba?
Pasensya kung nasaktan kita.
Pasensya kung madami akong pagkukulang.
Ang bilis mo namang magsawa.
At sorry kung mabilis akong kumawala.
Ang sakit kasi ng ginawa mo.
Hindi ko inakala na magagawa mo 'to.
Akala ko, iba ka sa kanila.
Eh wala eh, pareparehas din pala.
Sanayan lang siguro 'to.
Darating ang panahon, malilimutan kita.
Magsasawa rin akong mahalin ka.
Hindi ako masasaktan kapag nakikita ko ang pangalan mong, online.
Hindi ako iiyak kapag maalala ko ang ginawa mo.
Darating ang panahon, magbabalik yung dating ako.
Yung dating ako na totoo ang tawa, totoo ang lahat.
Hindi nga talaga tayo para sa isa't isa.
Sinubok lang siguro tayo ng tadhana.
Kung paano naging mabilis ang naging tayo, ganun din kabilis kung paano iyon nawalang parang bula.
Pinagtagpo tayo, tinadhana ng kaunting panahon, tapos, nagloko, nawala ang lahat.

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon