(83) Damdamin Moko

23 1 0
                                    

Itim na wallet, itim na bag
Itim na buhok, na nakakaganyak.
Itim na t-shirt, itim na mata
Unti-unting ang puso'y nabibihag na.

May kislap sa mga mata,
Kirot ba o saya?
Pinagmamasdan kita,
Nasasaktan ka na.

Ako na lang kasi,
Tayo na lang dalawa.
Ang manhid manhid mo,
At sa totoo lang,
Napakatanga ko.

Kung sinabi mo ng maaga,
Edi naging tayo sana.
Hindi kita sasaktan,
Katulad ng ginawa niya.

Mamahalin kita,
Ng buong buo.
Mamahalin kita,
Higit pa sa buhay ko.

Ako'y umaasa nanaman.
Nalilinlang, nananaginip.
Yung pagka-assumera,
Parang hanging umiihip.

Dapat siguro,
Makuntento na lang ako.
Na mas ayos na yung,
Matanaw kita sa malayo.
Kaysa naman pansinin kita,
At sa huli,
Ako lang ang mababalewala.

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon