(56) Sa Wakas

21 2 0
                                    

Heto na ang huling tula na iaalay ko sayo.
Dahil dumating na ang panahon, na namulat na ako.
Na hindi lang pala ikaw ang pwede kong mahalin.
Dahil may ibang tao pa pala na pwede akong maangkin.

Apat na taon akong nabulag sa pagmamahal ko saiyo.
Hindi ko na tuloy napansin ang mga taong nasa paligid ko.
Pero, nagpapasalamat ako dahil dingiin na ng Diyos
Ang isa sa mga panalangin ko.

Gusto ko lang sabihin sa iyo na, nagpapasalamat ako sa lahat.
Sa sakit, sa lungkot, at saya nanaranasan ko
Noong mga panahong,
Ikaw ng ikaw ang bukambibig ko.

Sa wakas, dumating na rin ang panahon.
Nakalimutan na kita, nakahanap na ako ng iba.
At mabuti na lamang at natagpuan niya ako
At hiyaan niyang siya ay matutunang mahalin ko.

At eto na nga, sa ilang taong pagtitiis, pagmamahal sa iyo sa malayo,
Nagising na ako.
Nakahinga na ako.
Malaya na ako.
Kaya ito na ang huling tula na iaalay ko saiyo.
Salamat sa mga aral na ibinahagi mo.
Lagi mo lang tandaan na, mahal kita.
Pero, mahal na mahal ko naman siya ♥

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon