Kaibigan, kumusta ka na?
Ako ba'y naalala mo pa?
Ako ito.
Yung taong may lihim na pagtingin sa iyoKaibigan, alam mo ba?
Na dalawang taon na.
Dalawang taon na tayong hindi nagpapansinan
Dalawang taon na tayong hindi nagkikibuanKaibigan, sana naalala mo pa.
Yung mga pinagsamahan
Yung mga alala
Na binuo nating dalawang magkasamaKaibigan, asan ka na ba?
Alam mo bang andito pa rin ako?
Umaasa hanggang ngayon sa iyo
Umaasang babalik ka pa sa piling koKaibigan, ano ba ang nangyari?
Ano bang ginawa kong kasalanan?
Yung bang kasalanan na yun ay hindi madadaan sa isang maikling pasensiyahan?Kaibigan, bakit mo ako iniwan?
Kaibigan, bakit hindi na nagpapansinan?
Kaibigan, ano bang nagawa kong kasalanan?
Kaibigan.. Kaibigan..Sana naalala mo pa,
Ang ating pinagsamahan
Dahil ang ating pinagsamahan,
Ay hanggang ngayo'y
Hindi pa rin nawawaglit
Sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Kay J
PoetryI dedicate this compilation to my long time crush, J. I wish he can at least read this. After 5 years of being addicted to him, i finally let go and accept that our memories stays behind and we aren't meant to be. This is a TAGALOG/ENGLISH Compilat...