(94) Salita

18 1 0
                                    

Titingin sayo at ngingiti.
Titingin sa baba at sisimangot.
Kanina pa ako nababagot.
Kahit rinig ang malakas na musika,
Hindi pa rin sapat iyon para matakasan ang nilalaman ng isip.
Hinila kita, palayo sa kanila.
Palayo sa mga taong mapanghusga.
Palayo sa reyalidad, parang tumatakas.
Pilit umaalpas sa mga titig nila.
Hinyaan mo akong hilahin ka.
Nakarating tayo sa ilalim ng punong mangga.
Namangha ka, kita sayong mata.
Katahimikan ang bumalot sa atin, walang umiimik.
Ayoko ng katahimikan.
Nilalamon ako ng aking isipan.
Hinawakan ko ang iyong kamay, nanginginig ito.
Huwag kang matakot, wala naman akong masamang gagawin sayo.
Damhin mo ang init ng palad ko.
Sinasabi ko sayo, para sa atin ang oras na ito.
Gusto kitang kausapin,
Pero may takot na kumakatok sa aking isipan.
Nagbabadyang bumulwak, ngunit walang magawa.
Hindi kita kayang harapin.
Ayaw kong makita ang lungkot sayong mata.
Alam ko, nasaktan kita.
Kaya pasensya kung gusto ko lang sumaya.
Naiyak ako, hinaplos mo ang pisngi ko.
Pinalapit mo ko sayo, siniil sa halik at yakap mo.
Ayokong bumitaw, pero ayaw ko din na masaktan ka pa.
Sinamantala ko ang pagkakataon na, umamin ka.
Ako ang may kasalanan kaya naging ganyan ka.
Kaya nalulunod ka sa mga mapanghusgang titig nila.
Pasensya kung napagkatuwaan kita.
Baliw nga raw ako sabi nila.
May mga bumubulong sakin ng mga dapat kong gawin.
Nalilito ako, tulong, tulungan mo ako!
Nalulunod ako sa mga sinasabi nila!
Magsalita ka!
Oo nga pala,
Nakalimutan ko agad,
Pinutol ko nga pala ang dila mo.

----
250 words na tula. Trying hard HAHAHA sana nagustuhan niyo :)

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon