(75) Kaliwanagan

16 1 0
                                    

Natauhan na.
Nabuksan ang isipan.
Naliwanagan.
Ayaw kitang masaktan.

Kusang lalayo.
Kalilimutan ang pangako.
Hindi kakausapin.
Yun ang dapat kong gawin.

Sa una lang ako magaling.
Kaya wag dapat akong mahalin.
Ayaw kitang paasahin.
Layuan mo na ako, iyon ang hiling.

Umiwas na.
Habang maaga pa.
Habang hindi pa mahirap.
Kapag tumagal,
Baka mas lalong maghanap.

Sanayin ang sarili.
Hayaan ang isa't isa.
Kahit pa hindi mapakali.
Makakahanap ka din ng iba.

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon