(16) Sorry

128 8 0
                                    


Sorry kung minahal kita.

Sorry hindi ko sinasadya.

Sorry kung nahulog ako sayo.

Hindi ko naman kasi alam na ang mangyayari pala ay ganito.

Sorry hindi ko napigilan yung damdamin ko.

Sorry hindi ko masabi sayo yung totoo.

Sorry masyado lang siguro akong nadala sa iyong mga motibo.

Sorry kung sa tuwing inaasar mo ako ay naiinis ako.

Sorry ayaw ko lang talagang malaman mo na kinikilig ako.

Sorry kung tuwing may kasama kang iba, eh nagseselos ako.

Sorry kung pinagtutulakan kita sa kanya, kahit alam kong ayaw mo.

Sorry kung ganun ang inaasta ko.

Sorry dahil ikaw na ang mahal ko.

Sorry alam ko wala ito sa ating plano.

Sorry kung sumobra ang tingin ko sayo.

Sorry kung higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo.

Sorry dahil naiinis ka tuwing naglalambing ako.

Hindi ko lang kasi mapigilan kasi ikaw lang talaga ang gusto ko.

Sorry kung naiinis ako sa ibang babaeng kasama mo.

Sorry kung iniisip ko na inaagawan nila ako.

Sorry, wala nga palang tayo.

Sorry, nag assume nanaman ako.

Sorry, nagpakatanga nanaman ako.

Hindi sa kanya, kundi sayo.

Sana mapatawad mo ko.

Sana masuklian mo yung pagmamahal ko sayo,

Kahit alam kong imposible namang mangyari ito.

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon