(54) Tula Ng Naiwan

35 3 0
                                    

Sa pagpikit ng mata,
Sa imahinasyo'y ikaw ang gumambala.
Humihingi ng tulong, ng saklolo
Sumisigaw, humihiyaw.
'Tulong! Tulong! Nalulunod ako!'
Kitang kita ang hirap na dinaranas sa iyong maamong mukha.
Ngunit walang nakakarinig sa iyong mga sinasabit.

Gusto kitang tulungan
Ngunit, hindi ko magawa.
Wala akong lakas, wala akong kapangyarihan!
Kung naroon lang sana ako ng mga panahong iyon
Buhay ka pa siguro, ikaw pa siguro ay kasama ko.

Pero mas inuna ko ang kasiyahan ko.
Kaysa makasama ang isang katulad mo.
Kaya sa huli, eto at nagsisisi ako.
Alam ko, masaya ka na kung nasaan ka.
Alam ko, lagi kang nasa tabi namin para bantayan kami.
Hinding hindi kita malilimutan
Hanggang sa huli, ikaw ang mamahalin.
Hanggang sa dulo, hanggang sa walanghanggan,
Ikaw lang.

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon