Isang segundo. Isang minuto. Isang oras. Isang pagkakataon.
Kahit sana isang beses lang, masabi ko sana saiyo ito ng harapan,
Walang pagaalinlangan,
Walang hiya-hiyaan.
Gusto ko lang talagang malaman mo lahat ng nararamdaman ko.
Gusto kong sabihin sayo na hanggang ngayon, ikaw pa rin ang gusto ko.
Ikaw pa rin ang tinitibok ng pusong ito.
Ikaw pa rin, kahit pinipigilan ko na ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi nagsasawa ang isang ako sa isang lalaking katulad mo.
Wala naman saiyo ang katangian ng isang lalaki dapat na mapusuan ko, pero bakit parang pinagpipilitan ng puso ko na mapalapit sayo?
Tanga ba ako?
Manhid?
Martyr?
Kasi kahit tinutulak mo na ako palayo, parang balewala lang sa akin ang lahat, sa kadahilanang mahal nga kita.
Walang sino man ang makapagpapabago dito sinta.
Mahal kita. Mula pa sa simula, mula pa sa umpisa mahal na kita.Ang sakit-sakit. Na habang minamahal kita, nasa iba ang atensyon mo.
Nasa babaeng mahal mo.
Na hindi ka naman kayang mahalin.Dapat ba akong maging masaya dahil ramdam mo na siguro ang nararamdamn ko?
O
Dapat ba akong malungkot dahil nakikita kitang hindi masaya habang nakatingin sa kanilang dalawa?Hindi ko na alam. Pagod na pagod na ako.
Ilang taon na rin akong umaasa sayo. Ilang taon na akong naghihintay na mapansin mo. Ilang taon na kitang tinitingnan sa malayo. Na kahit konti lang ang distansya natin sa isa't isa, parang sobrang layo mo. Malayo na ikaw, sa dating ikaw. Nagbago ka na.Pero dapat bang magbago din ang pakikitungo mo sa akin? Na tratuhin akong parang hindi mo kakilala? Na parang wala tayong pinagsamahan? Na parang wala tayong masasayang ala-alang binuo sa loob ng maikling buwan?
Nakalimutan mo na ba talaga ako? Sabik na sabik na akong mapakinggang ulit ang walang sawa mong kwento. Parang dati lang... Dati. Dati na hinding hindi na mauulit dahil nabubuhay na tayo sa kasalukuyang panahon at naniniwala kang dapat ng kalimutan ang nakaraan. At dapat pagtuunan ng pansin ang kinabukasan.
Hindi nga siguro ako parte ng kasalukuyan at kinabukasan mo ano? Iniwan mo kasi ako sa nakaraan.
Iahon mo naman ako. Lunod na lunod na ako dito. Gusto ko ng malaman kung ano ba ang meron diyan sa kasalukuyan. Gustong gusto ko ng maramdaman ang saya para makabuo ng magandang kinabukasan.
Balikan mo ako dito ha? At sana kapag binalikan mo ako, mahal mo na rin ako. Para magkaroon man lang ng silbi ang paghihintay ko dito. Balikan mo na ako agad. Gusto konng mamulat sa katotohanan. Hihintayin kita. Pangako. Hindi kita malilimutan. Mahal kita. Walang hanggan.
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Kay J
PoetryI dedicate this compilation to my long time crush, J. I wish he can at least read this. After 5 years of being addicted to him, i finally let go and accept that our memories stays behind and we aren't meant to be. This is a TAGALOG/ENGLISH Compilat...