Balang araw, magkikita tayong dalawa. Wala ng lungkot na mararamdaman at makikita. Lahat ng ala-ala, sakit at galit naibaon na sa limot. Para ulit tayong sanggol na bininyagan. Uulit sa una, magkakaroon ng panibagong simula. Ang simula, na kung saan parang walang nangyari ay mauulit nanaman muli balang araw. Magkikita tayo sa lugar kung saan maraming tao. Maraming hadlang. Pero, sana gumawa ng pagkakataon ang tadhana para makatabi ka, makausap ka. At doon, ngingiti ka sa akin at sasabihin ang katagang "Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah?"
At dahil sa ngiti mo, ito ang magiging hudyat ko na pinatawad mo na ako. Na nakalimutan mo na lahat ng nangyari sa nakaraan at handa ka ng lakbayin ang kasalukuyan ng walang tinatanim na galit.
At ako, ngingiti ako sayo. At isasagot ang mga katagang ito. "Uy! Ayos lang! Kumusta ka na rin? Ito nga pala yung boyfriend ko!" At doon, kakapit ako sa braso niya at ituturo kita, "Siya nga pala yong kinukwento ko sayo. Yong kaibigan ko na matagal ko ng gusto. Pero ngayon, ikaw na yung gusto ko." Sasabihin ko iyon ng may ngit sa aking labi. Haharap sa aking kasinatahan at iisiping kaming dalawa lamang ang tao sa lugar na ito. Kakalimutan ang presensiya mo, katulad na lamang ng ginawa mo sa akin noong minahal kita, noong mga panahong ikaw ang mundo ko, sayo umiikot ang sistema ko, mga panahong ikaw lamang ang tinitibok ng puso ko. Pero, syempre, hindi ko pwedeng gawin iyon. Hindi ko pwedeng takasan ang presensiya mo dahil nabubuhay ako sa kasalukuyang panahon. Hindi ako nabubuhay sa aking makulit ng imahinasyon.
At pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon, susulyap ako sayo at makikita ko ang sakit sa mga mata mo. Mga sakit na nagsasabing may pag-asa pa ako saiyo. Na may pag-asa pa na maging tayo. Na mahal mo rin pala ako. Na hindi mo lang masabi sa akin noon dahil wala kang lakas ng loob.
Ngingiti ka sa akin, isang pekeng ngiti at sasabihin ang mga salitang, "Sa-na masaya ka sa kanya."
At pagkatapos nun ay tatalikod ka. Iiwan mo kaming dalawa. Pero, kalahati ng puso ko ay dadalhin mo. Magkakaroon ng tanong sa utak ko kung bakit ganun ang reaksyon mo. Bakit may luha sa iyong mga mata? Bakit parang bigla nagbago ang kislap sa iyong mata? Bakit noong hindi ko pa siya pinapakilala ay napakasaya mo pa?
Ayokong nagisip ng kung ano ano. Pero kung mamarapatin, may gusto ka bang iparating? Ayokong sabihin mong napakaassumera ko, pero gusto mo din ba ako? Mahal mo din ba ako?
Dahil handa akong bumalik sa yakap mo, sa tabi mo. Handa akong bumalik sa buhay. Handa akong iwan ang kasintahan ko. Handa akong magpakatanga ulit saiyo. Handa akong mahalin ka ng buong-buo.
Pero sana, sana ito nga ang mangyari balang araw. Hindi naman masamang mangarap. Hindi naman masamang umasa. Pero, ito lang ang tatandaan mo, huwag mong kalilimutang mahal na mahal na mahal kita.
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Kay J
PoetryI dedicate this compilation to my long time crush, J. I wish he can at least read this. After 5 years of being addicted to him, i finally let go and accept that our memories stays behind and we aren't meant to be. This is a TAGALOG/ENGLISH Compilat...