Nakasabay kita sa daan kanina
Pucha.
Walang pansinan ah.
Niloloko nanaman tayo ni TadhanaNang lumingon ka,
Kita ang gulat saiyong mata
Yung gulat, napaltan ng inis
At di nagtagal, nagkaroon na ng galitParehas pa tayo ng kulay ng damit
Si Tadhana talaga, napakalupit
Hindi ko inaasahan na makakasabay ka
Lumamig tuloy ang aking mga paaBumilis bigla ang iyong lakad
Ang bilis mo tuloy umusad
Halatang iniiwasan ako
Ayaw mo talaga sa isang tulad koHanggang sa naghiwalay ang ating landas
Lumiko ka bigla sa kabilang daan
Naiwan ako, naguluhan
Pagka't hanggang ngayo'y walang kibuan.Dun na nga ba magtatapos ang ating pagsasama?
Na kung saan dati tayong dalawa pa ay masaya
Kahit hindi naging tayo noon,
Kasi nga pinagkaitan tayo ng Tadhana at Panahon.
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Kay J
PoésieI dedicate this compilation to my long time crush, J. I wish he can at least read this. After 5 years of being addicted to him, i finally let go and accept that our memories stays behind and we aren't meant to be. This is a TAGALOG/ENGLISH Compilat...