Ilang taon nagpakatanga
Ilang taon umasa
Ilang taon nasasaktan ng patago
Ilang taon, ang nararamdama'y tinatago.Sa pagkislap ng bituin sa kalangitan,
Kasabay ng paghampas ng alon sa dalampasigan,
May pusong umiiyak, nahihirapan.
At iyon ang puso ko,
Iyong puso ko na nagpapakatanga sayo.Ikaw ang nagsilbing inspirasyon sa lahat ng gawain.
Ikaw ang tumayong motibasyon sa tuwing sumusuko sa isang bagay na hindi kayang gawin.
Ikaw ang nagmulat sa akin sa salitang "maghintay"
Pagka't kahit walang kasiguraduhan, ikaw pa rin ang inaantay.Pakisabi naman sa puso mo, na mahalin na niya ako.
Kahit pagmamahal lang, bilang kaibigan mo.
Hindi naman ako naghahabol sa isang katulad mo,
Kasi alam ko naman na may mahal ng iba ang puso mo.Pakisabi naman sa puso mo,
Handa kitang intayin.
Maghihintay ako,
Kahit hindi mo pa tiyakin.
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Kay J
PoetryI dedicate this compilation to my long time crush, J. I wish he can at least read this. After 5 years of being addicted to him, i finally let go and accept that our memories stays behind and we aren't meant to be. This is a TAGALOG/ENGLISH Compilat...