(40) Ano Kaya Ang Nangyari?

52 5 0
                                    

Ano kaya ang nangyari kung naging tayo noon?
Masaya kaya tayo sa mga panahon ngayon?
Magtatagal kaya tayo katulad ng ibang magkasintahan?
O maghihiwalay din agad dahil sa hindi pagkakaintindihan?

Ano kaya ang nangyari kung hindi ako duwag at hindi ka manhid?
Nasabi ko na siguro ang nararamdaman ko sayo ano?
Hindi mo siguro ako iiwasan, tulad ng ginagawa mo?
O baka naman, kabaligtaran iyon ng iniisip ko?

Ano kaya ang nangyari kung mahal mo ako?
Hindi mo din kaya ako makakalimutan tulad ng ginagawa ko?
Masasaktan at mapapagod ka din ba tulad ng nararamdaman ko?
O susuko ka na lang at hahanap ng iba- yun ata ang hindi ko kayang gawin saiyo.

Ano kaya ang nangyari ano?
Kung merong tayo noon
Kaso, wala nga, kahit ngayon,
Kasi turing mo sa aki'y isang estranghero.
Pagka't binaon mo na ako sa limot
Kasama ang ilan nating ala-alang masaya at masalimuot.

100 Tula Para Kay JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon