Pumunta ako sa dati nating school, kung saan nakilala kita.
Marami na ang nagbago, at hindi iyon maipagkakaila.
Hindi ko nga inaasahang makita ka.
Ikaw pa rin si Jet, pero hindi na ikaw yung dating minahal at nakilala.
Sobrang daming tao na ang dumaan sa buhay ko, at sigurado akong sayo rin.
Kolehiyo na tayo at sana ay masaya ka rin, katulad ko.
Unti unti na nating maaabot ang ating mga pangarap,
Pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung, magtatagpo pa ba tayo sa hinaharap?
Buhay ka na lang siguro sa aking ala-ala.
Sa puso ko kasi, kailangang kalimutan na kita.
Sa dinami rami ng tao sa mundong ito,
Hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag asang mahanap ang tunay na mamahalin ko.
Binasa ko nga ang mga tulang nilikha ko dito, simula sa una.
Napaka random pero, mukha na pala akong tanga.
Desperada sa tahimik na paraan.
Pasensiya na, nagmamahal lang naman.
Apat na taon na, mula noong sinimulan ko ang compilation na ito.
At masasabi kong, hindi parin naging maganda ang dulo.
Wala naman akong magagawa.
Sa mundong kinabibilangan nating dalawa,
Imposible na sigurong tayong dalawa ay mag uumpisa muli sa una.
Salamat sa lahat ng ala-ala, J.
Napasaya mo ako kahit wala kang ginagawa.
Sumaya ako sa ilusyong puno ng pag-asa sa ating dalawa.
Pero, dumating na ang araw,
Na kailangang tapusin ang nararamdaman at kalimutan ka na.
BINABASA MO ANG
100 Tula Para Kay J
PoesíaI dedicate this compilation to my long time crush, J. I wish he can at least read this. After 5 years of being addicted to him, i finally let go and accept that our memories stays behind and we aren't meant to be. This is a TAGALOG/ENGLISH Compilat...