I wanna go home! Nangangatog ang tuhod ko na tila hindi ako makalakad. Nakakatakot. Di pa ako gaanong sanay sa mga gantong bagay, yung tipong nagshoshooting ako sa isang horror film.
Pero, isang nakakatakot na horror true to life story na ang buhay ko.
“Ate.. Tara na.” Pagtawag pa sa akin ng bata. Nakatayo pa kasi ako't nagdadalawang isip kung pupunta ba ako o hindi. Habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid ay lalo lang akong natatakot, kinakabahan, at naiihi. Peste.
“U-uuwi n-na ako.” Nauutal utal ko pang sabi saka tumalikod ngunit- “Ay kalabaw! Jusko naman. B-bata! Papanong?” Nagulat nalang ako nung pagtalikod ko tungong labasan ay kaharap ko na ang bata samantalang malayo siya sa akin kanina. Ano yun, teleportation? Nakakatakot na version to ah!
“Ate please.” Aniya. Hanuba! Yoko talaga nang ganito eh, pero mukhang mabait naman talaga tong bata. Wala naman sigurong mawawala kung susundin ko siya diba? Maliban nalang kung atakihin ako sa puso dahil sa takot, baka yung precious na founder ng magaganda eh mabawasan.
“O-okay. S-san ba?” Medyo kinakabahan at natatakot kong saad. "Doon.." Aniya at itinuro ang daan, sumunod lang ako sakanya ng tahimik. Ba't ganun? Sa bawat hakbang ko parang umaatras ang sikmura ko tas nangangatog ang paa't mga kamay ko? Tsh. Dapat kasi masanay na ako eh.
Medyo masukal ang tinatahak naming daan at marami ring puno, mukha ngang gubat ito. Inilabas ko ang cellphone ko upang magflashlight dahil di pa rin sapat ang ilaw nanggagaling sa buwan para makita ko ng malinaw ang daan. Mahirap na baka lumabas si bessy. Sssss.
Ilang saglit pa ay may naaninag na akong bahay, medyo may kaliitan ito at tagpi-tagpi ang atip, may sako ring pinalibutan ang pira-pirasong tabla. May kakaunti rin namang liwanag sa loob nito at hula ko ay dahil ito sa lampara o kandila.
Huminto ang bata at ngumiti, dahilan para takang taka akong huminto. "Ate, sa loob ng bahay na yun nandun po ang nakababatang kapatid ko, tulungan niyo po sila.." Ani Ena. Hindi ko alam pero parang bilang lumambot ang puso ko. "Di mo ba ako sasamahan? Ayaw mo ba silang makita?" Tanong ko pa. Ngumiti ito ng mapait at dahan-dahang umiling kasabay ng munting luhang kumawala galing sa kanyang mata.
"Natatakot ako.. Natatakot ako na baka pag nakita ko sila eh hindi ko na sila iiwan. Natatakot ako sa sarili ko.. Natatakot po ako na baka hindi ko gugustuhing sumama sa taga sundo at manatili sa lupa.. Kaya please po, kayo na pong bahala." Pahikbi niyang sabi. Nilapitan ko ang batang si Ena saka pinunasan ang mga luha sa kanyang mata. Naiiyak ako na ewan.
"Naiintindihan kita.. Pupuntahan ko lang sila." Saad ko saka niyakap saglit ang bata at nagtungo sa bahay na itinuro niya. "Paki sabi po, mahal na mahal ko sila!" Pahabol pang sigaw ni Ena. Nilingon ko ito saka ngumiti. "Makakarating!" Sabi ko pa at nagpatuloy na sa paglalakad.
Ano kayang ikinamatay ni Ena? Kahit kelan, ang kamatayan ay walang pinipiling tao. Bata man o matanda, bukas man o ngayon, at kahit saan mang lugar kaya dapat lagi tayong handa sa araw na yun. Hangga't may oras ka pa, iparamdam mo na sa mga taong malapit sayo na mahal mo sila, umamin ka na rin sa crush mong crush mo siya dahil ang kamataya'y laging nakasunod.
Nung makarating ako sa bahay ay kumatok ako ng tatlong beses at bumukas naman ito. Bumungad sa akin ang isang batang babae na may bakas pa ng uling sa mukha. "Sino po kayo?" Inosenteng tanong nito sa akin. Ngumiting anghel muna ako bago sumagot. "Ako si ate Jell, kaibigan ni ate Ena mo. " Pagpapakilala ko pa. Tumingin ito sa likod ko, puno ng excitement.
"Nasaan na po ba siya? May dala po ba siyang pagkain? Gutom na po kasi kami ni Goni." Aniya na may puno ng saya. Kumirot ang puso ko. So di nila alam na wala na ang kapatid nila? Paano ko ba to sasabihin? Sabi na eh! Sana nagpaopera na ako ng mata para mabuhay na ako ng normal. Hayst. Problema tuloy. Anong gagawin ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/88353107-288-k569492.jpg)
BINABASA MO ANG
My Guardian Ghost (Completed)
RandomYhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost asking for help and later on became her friend. Friend lang ba talaga? This is a non-horror story. -drazzzzyyyy Book cover by: @majestingg Sta...