Chapter 17

2.9K 128 24
                                        

Nang makarating kami sa bahay ay ipinark agad ni kuya ang kotse niya sa may garahe. Agad akong lumabas ng kotse niya sa pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Nagbabakasakali lang naman ako na baka nandito si Ehan na nakaupo at naghihintay pero nanlumo ako ng madatnan ang kwarto kong walang lamang Ehan.

Tsk. Bakit ko nga ba siya hinihintay? O bakit ba ako umaasang babalik siya gayong malinaw pa sa araw ang pagkakasabi niyang di na siya babalik?

Napabuntong hininga nalamang ako saka naupo sa kama, sabay lapag ng back pack ko. Mukhang hindi na yata siya babalik. Nagdesisyon akong magbihis ng pambahay saka pagkatapos ay nahiga ako sa kama para mag pahinga.

Pilit kong pinapatulog ang sarili ko ngunit di ako matulog. Puno ng pag-iisip ang utak ko. What if, hanapin ko nalang siya? Pero saan ko naman siya hahanapin? Di ko naman alam kung saan nagpupunta yun eh. Bahala na nga.

Napatingin ako sa relo ko, alas kwatro pa naman kaya marami pa akong oras bago gumabi. Tumayo ako saka nagbihis, jogging pants, t-shirt tsaka tsinelas lang ang suot ko. Sinuot ko rin ang jacket kong may hood dahil ang letseng langnat na ito ay di ako tinatantanan.

Kinuha ko ang cellphone ko tsaka pitaka ko at inilagay ito sa bulsa. Lumabas na ako sa kwarto. Pagkababa ko ay wala akong nadatnan na kuya. Asan kaya yun? Siguro nasa kwarto niya. Itetext ko nalang siya.

Lumabas na ako ng bahay at napagdesisyunan kong bumalik sa parking lot ng paaralan upang kunin ang scooter ko. Kailangan na kailangan ko ito ngayon eh, para di na hassle ang paghahanap ko sa tampururot na multong yun.

Pumunta na ako sa sakayan at luckily, may jeep na agad at di pa ito puno. Apat lang kaming pasahero nito, agad kong iniabot ang bayad saka humintay ng ilang minuto bago tuluyang makarating sa paaralan. Pumara na ako saka bumaba at pumasok sa gate ng paaralan. Tinanong pa ako ng guard kung bakit ako bumalik, sagot ko nalang ay may naiwan. Buti nalang kilala nila ako kaya di na ako hiningian ng Id na naiwan ko naman.

Imbes na dumiretso ako sa parking lot, nagtungo ako sa may school garden kung saan kami dumaan ni Ehan tungo sa burol sa likod ng paaralan namin. Naisip ko kasi na baka nandito siya at nag-iisip tungkol sa mga bagay.

Kahit masukal ang daanan ay pilit ko pa ring sinikap na makarating sa lugar na pupuntahan ko. Punong-puno ako ng pag-asa kaya umaasa ako na sana ay narito siya. Nang makarating na ako sa mismong pwesto na inupuan namin noon ay inilibot ko ang paningin ko, sabay sigaw “Ehan?!” Paulit-ulit kong sinisigaw ang pangalan niya. “Ehan? Nasaan ka?.” Ngunit walang sumasagot.

Nanlumo akong napaupo sa damo. Halos mapaos ako na sa kasisigaw ngunit wala man lang lumabas na Ehan. Saan kaya siya posibleng pumunta? Sana kasi di ko nalang sinabi ang salitang masasaktan pala siya. Dapat parusahan ang bibig kong to eh. Well, di pa naman dito nagtatapos ang paghahanap ko eh.

Huminga ako ng malalim. Hahanapin ko ang mushroom na multong yun, bahala na. Tutulungan ko na siya, delikado man o hinde, tutulungan ko siya. Pero bago yun, kelangan ko muna siyang mahanap.

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili, saka naglakad na papalabas ng burol na ito. Pero di ko talaga alam kung burol ba talaga tawag nito pero yun nalang ang itatawag ko. Hayst ewan.

Malayo ang school garden papunta sa parking lot kaya, binilisan ko ang lakad para naman di ako magabihan sa paghahanap. Kokonte nalang ang mga estudyanteng nandito, pero bakit nga ba nandito pa tong mga to? Mga schoolaholic. Tama ba yon? Basta yun na yun.

Nang marating ko na ang parking lot ay agad kong hinanap ang scooter ko at nung makita ko na ito ay lakas loob akong nagtungo dito. Wala yung multo, buti naman. Binilisan ko ang lakad ko lalo pa’t walang tao dito maliban sa akin. Nakakatakot kaya yung multong yun.

Sumakay agad ako, at kinuha sa pitaka ko ang susi. Agad kong isinaksak ito sa scooter ko saka pinaandar ito. Ngunit syete lang, ba’t ayaw gumana ng makina? Pinagpapawisan ako ng malagkit, kelangan umandar na ito bago pa pumunta yung masamang multong yun.

Ilang beses kong pinaulit-ulit na pinaaandar ang scooter ko pero wala na. Nandiyan na siya, “Bumalik ka?. HAHAHA!” Hinde, kaya nga nandito ako eh. Pero mamamia, ang creepy ng tawa niya, ang buong siya! Papalapit siya sa akin kaya nagdasal ako na sana malagpasan ko to at umandar na ang scooter ko.

Laking pasasalamat ko nalang nung umandar ito. Minaneho ko na ito ngunit biglang humarang sa daraanan ko yung bwiset na multong yun, hinde ko pwedeng banggain to dahil baka ako ang matapon lalo pa’t kaya kong hawakan ang mga multo. Agad kong iniiwas ang direksiyon ko ngunit sa kasamaang palad ay nawalan ako ng balanse kaya natumba ako.

Aray, naipit ang paa ko sa scooter. Ang bigat. Pilit kong tinutulak paalis sa paa ang scooter ko dahil papalapit na ng papalapit sa akin ang multong may nanlilisik na mata. Kelangan ko ng tulong. Ehan? Nasaan ka?

Mabigat ang scooter ko at masakit ang pagkakabagsak ko kaya nahihirapan ako sa pwesto ko. Papalapit na ng papalapit yung multo at kinakabahan na ako, ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng hilo, dahil siguro sa nilalagnat ko at ilang segundo pa ay dumilim na ang paligid ay wala na akong maramdaman na kahit ano.

Jeriche’s PoV

“Nice game, pare.” Sabi ni Eman. Kakatapos lang namin maglaro ng dart. Wala lang, sinubukan lang namin ang laro na’to at wala man lang ni isa sa amin ang naka tama sa cherry. Naku naman. “Ikaw rin pre. Sige, una na ako.” Paalam ko pa.

Kinuha ko na ang gamit ko saka naglakad na papunta sa parking lot, pinaikot-ikot ko ang susi ko sa daliri ko saka napatingin sa oras. Mag aalas singko na pala, pupunta pa ako kina Jhalle, may lakad pa kami eh.

Nang makarating na ako sa parking lot ay pinatunog ko na ang kotse ko, umilaw naman ito kaya agad akong nagtungo dito. Ngunit napahinto ako ng may mapansin akong nakahadusay sa semento. Nilapitan ko ito at sht, si Jell to ah? Anong nangyari sa kanya? Agad kong inalis ang scooter niyang nakadagan sa kanya at dali dali siyang binuhat papunta sa kotse ko.

Inihiga ko siya sa backseat saka sumakay sa driver's seat at pinaandar ko na ang kotse ko. Agad kong dinial ang numero ni Jhalle saka tinawagan siya. Nakakadalawang ring palang ito at sinagot na niya. “Oh? Tol, antagal mo nama—” Di ko na siya pinatapos sa pagsalita.

“Jhalle, dadalhin ko si Jell sa UD hospital. Sumunod ka agad.” Sabi ko pa.

“A-ano? Ba-bakit? Anong nangyari?..” Mababakasan ng gulat ang kanyang boses. Kung sabagay, sino ba naman ang di magugulat dun?

“Hinde ko rin alam. Basta bilisan mo.” Sabi ko pa at pinatay na ang cellphone ko. Napatingin ako kay Jell gamit ang salamin. Maputla ito, ano kayang nangyari sa kanya?


My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon