Nakakapanibago.
Tila may nag-iba.
Kakaiba siya.
Jeriche, anong nangyari sayo?
Itinago ako ni Ehan sa kanyang likuran nang harapin niya si Jeriche. Nag-iba ang ekspresyon ni Jeriche. Mababakasan mo ng pagkabigla at hiya.
“Jell, I'm so sorry. Nabigla lang ako.” Aniya at aakmang lalapit sa akin ngunit tinulak siya ni Ehan palayo.
“Don't you dare.” Aniya at hinawakan ako sa braso sabay hila sa akin papalayo.
Sa huling pagkakataon ay sinilip ko si Jeriche. Kinilabutan ako nang makita kong ngumisi ito sa akin at kinindatan ako.
Sandaling nagsi-taasan ang balahibo ko at di na muling nilingon siya.
Kasalukuyan kaming naglakad ni Ehan sa kalsada. Tahimik kaming pareho. Sunod-sunod ang aking buntong hininga pati na rin siya.
Marahil ay nabigla rin siya sa inasal ni Jeriche since matagal niya na itong kaibigan.
Huminto siya sa paglalakad. Kaya napahinto ako. Nilingon niya ako.
“Layuan mo siya. Kahit kaibigan ko siya, di ko nagustuhan ang inasal niya.” Aniya at napayuko. “...I'm sorry.” Dugtong pa niya.
Hinawakan ko siya sa pisngi saka nginitian. “Okay lang ako. Baka nagawa lang niya yun kasi nasaktan siya.” Sabi ko naman.
“I hoped, yun lang ang dahilan.” Aniya. Napakunot naman ako ng noo.
“May iba pa bang pwedeng maging dahilan?” Takang tanong ko pa.
Umiwas siya ng tingin saka umiiling. “Wala, tara na sa inyo.” Wika niya at hinila na ako papauwi sa amin.
Di na ako nakapaalam kay Mama, bakas pa sa mukha nila ang pagtataka kung bakit may kasama akong iba instead of Jeriche.
Sigurado akong uulanin nanaman ako ng tanong.
Nang makarating ako sa amin ay napahinto ako sa tapat ng gate. “Pasok ka.” Yaya ko pa kay Ehan.
Oras na siguro para mag bati sila ni kuya.
Hindi ako sinagot ni Ehan bagkus ginulo niya ang buhok ko at nginitian ako nh napakalapad. “It's not yet the right time.” Aniya.
Tumango na lamang ako saka ngumiti. “Ingat sa pag-uwi.” Saad ko pa. “You too.” He replied at bigla niya akong hinalikan.
Namula ako sa ginawa niya kaya dali-dali na akong pumasok sa bahay without looking back. Nahihiya akong makita niyang namumula ang pisngi ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay sinalubong ako ng tsismoso at mahinala kong kuya. “Saan ka galing? Ba't pulang-pula ang pisngi mo?” Agad akong umiwas ng tingin.
“M-mainit lang.” Saad ko saka kumaripas ng takbo.
“Hoy Jellay!” Rinig kong sigaw pa niya ngunit di ko na iyon pinansin at dire-diretso nalang na nagtungo sa kwarto ko.
Napahawak ako sa pisngi ko at marahang sinampal-sampal ito. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
“Ba't nakakakilig?” Wika ko sa hangin saka napahiga sa kama.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganto kami ni Ehan ngayon.
Alam na ng magkapatid na Coleen at Jeriche. Si kuya nalang ang inaalala ko. Ano kayang magiging reaksiyon niya?
Susuntukin kaya niya si Ehan? O sasampalin niya ako?
Napailing ako.
Matutulog na ako dapat ngunit bigla akong ginulo ng utak ko. Ang ngiti ni Jeriche kanina pati na rin ni Coleen ay napaka creepy.
BINABASA MO ANG
My Guardian Ghost (Completed)
RandomYhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost asking for help and later on became her friend. Friend lang ba talaga? This is a non-horror story. -drazzzzyyyy Book cover by: @majestingg Sta...