Chapter 9

3.6K 166 15
                                    


Ehan’s PoV

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng isang paaralan. Dito ako tumatabay sa paaralang ito, ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil dito ako nag-aaral nung nabubuhay pa ako? Wala akong matandaan sa past life ko.

At kinaiinis ko ang bagay na iyon.

Naglakad ako sa kawalan ngunit nabigla ako ng matumba ako, napalingon ako sa likod ko. Totoo ba’to? Nasagi niya ako? “Sorry.” Aniya at nagmamadaling pumunta sa comfort room. Kinausap niya ako? How come? I'm a ghost and dapat nilalagpasan niya lang ako at dapat di niya ako nakikita!

Kusang naglakad ang mga paa ko at sumunod sa kanya, medyo binuksan ko ang pinto ng comfort room ng mga girls. Teka, di ako naninilip ah? Nakita ko yung babae, nakaharap sa salamin at tila may kinakausap.

"Anong ba kasing kailangan mo?.." Sabi nung babaeng nakasagi sa akin habang nakatingin sa kanyang repleksiyon sa salamin.

Sino ba tong kinakausap niya?

"Okay na sa'kin ang malinisan lang ang aking lapida, kay tagal na kasi akong di dinadalaw eh.." Isang multo ang kausap niya? Makalumang multo ito at humihingi ng tulong.

"Geh. Ako na bahala." Sagot naman nung nakasagi sa akin.  "Talaga? Salamat! Angelie Ramirez po ah? Sa public cementery lang. Bye po.." Saad naman ng babaeng multong humingi ng tulong.

Tinulungan nung babae ang multo! Pwede ko kaya siyang hingan ng tulong? Tutulungan ko kaya siya? Mula nun ay sinundan ko na siya hanggang sa nagkakilala kami at tingin ko, magkaibigan na kami.

“Saan ka pupunta? Di pa tayo Nakakapagsimulang maglaro.” Sabi nung malaking tao. Napatingin ako kay Jell, natatakot siya. Di niya maipagkakaila iyon dahil kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko pa siya dinala dito? Sana ako nalang ang pumunta.

“Jell! Tumakbo ka na. Magtago ka. Bilis” Sigaw ko pa kay Jell. Napatingin ito sa akin saka napatingin ito sa papalapit na malaking lalaki, may bitbit itong kutsilyo. Tumakbo si Jell sa hagdanan paakyat at tingin ko ay dun siya magtatago sa mga kwarto dun kung meron man.

“Ah. Gusto mo ng taguan. Sige” Sabi nung lalaki at papunta ito sa direksyon ng dinaanan ni Jell. Sht. What did I've done? Ba’t ko siya dinala sa lugar na ikapapahamak niya? Nag-isip ako ng maigi kung paano ko maitatakas si Jell.

Umakyat yung lalaki, dahan-dahan lang at maingat upang hindi siya marinig. Nagdadasal na lang ako na sana ay hindi siya makita. Pumunta ako sa isang kwarto kung saan nakatago dito ang mga gamit sa hardin at gamit sa pagpuputol ng kahoy. Nakakita ako ng palakol. Kinuha ko ito at ginamit upang basagin ang nakakandado.

Ang tigas! Ang tibay naman ng kandadong itong. “Aaaaaah!” Jell! Nilaksan ko ang pagpalakol kaya tamang-tama ay nasira ito at nabuksan ang pinto. Ginamit ko yung kakayahan ko bilang multo kaya nakarating agad ako sa kinaroroonan ni Jell. Makalat na dito, may mga natumbang mesa at mga nabasag na vase.

“Jell!” Sigaw ko pa nang makitang ikinulong ng lalaki si Jell sa kanyang mga malalaking bisig. “E-ehan. Tu-tulungan mo ko.” Rinig ko pang sabi ni Jell. Hirap na hirap siya gawa ng pagsasakal sa kanya gamit ang bisig. Sht.

“Aba! Magtatawag ka pa ng tulong ah? Sinong tutulong sayo? Yung lalaki mo? Papatayin kita. Papatayin ko kayong dalawa.” Sabi nung lalaki na parang nababaliw na. Sinubukan ko siyang suntukin ngunit lumalampas lang ang kamay ko. Ba’t ganun? Pag gamit, nahahawakan ko, pero pag tao, wala!

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at may nakita akong fish bowl, inihagis ko ito sa ulo ng lalaki at sapul naman ito dahil nangiwi siya, kinuha ni Jell ang pagkakataong ito upang sipain ang maselang bahagi ng lalaki kaya mas lalo itong nasaktan. “Jell! Bukas na ang baba. Umalis na tayo.” Sigaw ko pa. Aakmang lalabas na si Jell ngunit hinawakan nung lalaki ang braso niya.

Tibay!

“Dito ka lang. Papatayin kita!”

“A-ah!”

Napalingon ako, si Jell. Nadaplisan ng kutsilyo! Inuubos talaga ng lalaking to ang pasensya ko ah. Shit lang. May nakita akong bola ng bilyar, dalawa lang ito dahil nakakalat. Kinuha ko ito at ito ang ginamit ko upang kahit lumusot ang kamay ko, eh yung bagay na hawak ko ay maitatama sa katawan niya.

Sinampal ko ang bola sa kanyang mukha, sa ulong nasugatan kanina, sa kanyang tiyan at sa kanyang maselang bahagi. Yun lang sana ang tatamaan ko ngunit medyo ako’y ginanahan sa aking ginagawa. Pinaulit-ulit ko ang pagtama sa kanya ng bola ng bilyar hanggang sa siya ay mawalan ng malay. Akala niya ah! Si Ehan yata to.

Napatingin ako kay Jell na kasalukuyang nakaupo at medyo nanghihina. “Jell! Jell. Lumabas na tayo bago pa siya magising.” Sabi ko pa. Napalingon ito at biglang tumawa. Adik? “Hinde pa tayo tapos sa misyong ito Ehan. Meron pa.” Sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Anong pinagsasabi nito? Hindi. Masyado nang delikado. “Jell. Kelangan na nating umalis. Kelangang ipagamot natin ang mga sugat mo.” Saad ko at hinawakan ang kanyang braso upang itayo ngunit tinabig niya ito.

“Sandali lang.” Sabi niya. Inilabas niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. “Hello. Sir, tulungan niyo po kami. #12 Brgy. Sinukuan St. Please sir. There's a killer inside the house and I need your help.” Tumawag pala siya ng pulis. Ayos din.

“Hmm..”

Napalingon ako sa lalaki. Magigising na yata ang kulugo. “Tara na Jell.” Inalalayan ko si Jell na tumayo, naglakad na kami palabas ng malaking kwartong pinangyarihan ng gulo ngunit biglang natumba si Jell. Napatingin ako sa kanya, may kutsilong nakasaksak sa binti niya! Hinagis ata nung gago.

“S..sakit” Usal ni Jell na ngayon ay nakaupo na. Sht. Tinanggal ko yung saksak kay Jell kaya napangiwi siya, “Ma..masa..kit” Aniya. Nang makuha ko ang kutsilyo ay tinapon ko pabalik ang kutsilyo sa lalaki at sakto naman na tumama ito sa kanyang bandang bahagi ng dibdib.

Bahala na hindi ako mapunta sa langit, ang importante nasaktan ko ang taong nanakit kay Jell.

Napaupo ito at biglang nawalan ng malay. “Teka lang Jell.” Nilapitan ko yung lalaki. Humihinga pa ito, di siya pwedeng mamatay. Kelangan niya munang pagbayaran lahat ng kasalanan niya, kelangan niyang munang mahirapan bago siya mamahinga.

Nilapitan ko si Jell, at unti-unti ko ng naririnig ang mga wang-wang. Inalalayan ko siya pababa. “I’m sorry Jell.” Sabi ko pa habang akay-akay siya sa paglakad. “Hmp. Di mo naman kasalanan to eh, pareho nating di alam.” Aniya. Napangiti ako, ewan ko. “Sorry pa rin. Dami mong sugat na natamo, siguro andami mo ng dugong nailabas sa katawan.” Pabiro ko pang sabi.

Biglang bumitaw sa akin si Jell saka hinampas ako. “Aaw. Baket?” Usal ko pa saka hinimas ang batok ko. “Kaya ko ng maglakad.” Aniya at bigla akong iniwan. Nauna siyang maglakad tungo sa pinto palabas. Problema nun? Ang bilis niya kahit pa papilay-pilay siyang lumakad dahil sa sugat niya sa binti.

Napasapo ako sa noo ko. Siguro akala niya yung dugong ginagamitan ng napkin? Peste. Dugo galing sa saksak at daplis ang tinutukoy ko. Ang rumi ng utak ni Jell. Napatawa nalang ako ng mahina saka sinundan si Jell sa labas.

Nang makarating ang mga pulis ay inilalayan siyang maglakad. “Sandali.” Napakunot naman ang noo ko. Ibinalik niya ang tingin niya sa bahay kaya tinignan ko rin ang tinignan niya. Sila ay yung mga multong nakausap ko kanina. Ang pamilya nung lalaki at mga napatay niya, kumakaway ito kay Jell. Huh?

Tinignan ko si Jell, ngumiti ito at medyo nagslight bow sa mga multo. So kaya pala, tinulungan niya ang mga multo.

“Malaya na sila Ehan.” Ani Jell habang nakatingin pa rin sa mga multong unti-unti ng sumasama sa liwanag.

Ako kaya? Kelan?

A/n: Hello! So, kung medyo magulo ang pagkakasulat ko, ewan. Magulo kasi utak ko pagpasensyahan na. May isa pa po akong story ‘Stranger’s Love’ Sana po ay mabisita niyo. At kung may typos and error, pagpasensiyahan na rin. Thank you po.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon