Chapter 7

4.4K 173 18
                                    

“Tulong? Anong klasen—huh? Asan na yun?” Biglang nawala sa paningin ko si Ehan. Matapos niyang sabihin ang kailangan niya, mawawala siya? Adik ba siya? O adik siya?

Tss. Yan hirap sa kanya eh, bigla nalang mawawala dinaig pa ang bula. Di ko alam kung nasa genes niya yan o nagiging sakit niya. Hayst. Bahala nga siya diyan.

Pero, ano na naman kayang klaseng tulong yun? Ako lang daw ang pwedeng gumawa eh? Wag niya sabihing papatayin ko ang pumatay sa kanya? O di kaya, pupuntahan ko ang naiwan niyang pamilya? Naku ah. Kinakabahan ako sa tulong na yan. Tsaka, ano nga bang ikinamatay ni Ehan? Parang pangalan at katakawan pati kayabangan lang ang alam ko sa kanya eh.

“I’m back!” Nagulat ako sa isang pamilyar na boses. Letseng to, aalis alis tapos babalik rin kaagad. “Saan ka ba galing ah?” Iritamg sambit ko. Adik kasi to eh, mawawala sa gitna ng pag-uusap. “Uhm.. Ayos ba yung effect ko? Yung biglang mawawala na tila nagpaintense ng pangyayari dahil maraming katanungan ang nabuo sa isip mo? Ayos noh?” Aniya.

Sarap sapakin ang loko.

“Effect mo mukha mo! Wag mo ngang ginagawa sa akin yang mga paganyan mo. Di effective. Tss.” Saad ko pa. Kairitang ‘to. Daming alam sa buhay! Di na mareach. Psh.

“Eh sa effective yun sa palabas eh. Malay ko bang hindi pala para sayo.” Aniya at napakamot pa sa kanyang ulo. Tinignan ko siya na para bang sinusiri saka nagbuntong hininga. “Anong klaseng tulong ba ang hinihingi mo?” Tanong ko pa. “..tsaka bakit sa akin?”. Ngumiti ito ng malapad bago sumagot. Para siyang timang sa ngiti niya ah.

“Pumapayag ka na?” Aniya. Tss, payag agad? Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng tulong ang hinihingi niya eh. “Ano ka? Sinuswerte? Malay ko ba kung anong tulong yan. Ano nga kasi?” Pagpipilit ko pa. Tagal pa sabihin eh.


“Help me find myself, libingan ko, pamilya ko at tulungan mo kong malaman kung ano ako dati o kung ano ang ikinamatay ko.” Seryoso niya pang sabi. Dami naman nun? Wala ba siyang naalala ni isa tungkol sa pagkatao niya? Well, bukod sa pangalan niya?


“Wala ka bang naaalala sa past life mo?” Takang tanong ko pa. Napayuko ito at ngumiti. Yung napakalungkot na ngiti na kapag nakita mo, mararamdaman mo yung lungkot at sakit na dinadaanan niya. “Wala eh. Yung Ehan lang.” Aniya. Nalungkot ako sa sinabi niya. Pero bakit? “..di ko nga alam kung anong ikinamatay ko eh. Di ko rin alam kung sino ba mga pamilya ko. Gusto ko silang dalawin. Pero di ko magawa kasi di ko alam kung meron ba ako nun.” Pagpapatuloy niya.


Ang bigat ng dinadamdam niya. Lumapit ako sa kanya at tinap ang kanyang balikat na tila nagsasabing ‘kaya mo yan’. Nakita kong malayang naglakbay ang mga luhang kanina pa niya pinipigalang makawala. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak. Well, wag na kayo mag taka. Wala naman kasi akong kaibigan.


“Sige. Pag-iisipan ko. Sana maintindihan mo.” Sabi ko pa. Tumingin siya sa akin na puno ng pag-asa ang kanyang mga mata. “Salamat. Naintindihan ko.” Sabi niya at biglang naglaho na parang bula. Bakit ganon? Wala siyang naaalala? Akala ko, di nawawala ang memorya ng isang kaluluwa. Sa palabas nga, may bumabalik pa na kaluluwa para dumalaw sa minamahal o kung minsan naman ay naghihigante pa. Hayst.


Nang makaalis si Ehan ay binuksan ko ang TV upang manood ngunit patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi ni Ehan kaya di ko masyadong naiintindihan ang palabas na pinapanood ko.

Tutulungan ko ba siya? O hayaang humingi ng tulong sa iba? Natatakot kasi ako na ewan eh. Pero ano nga bang kinakatakot ko? Na baka mabigo kami kung saka-sakali? Tsk.

Pinatay ko ang tv dahil wala naman akong naiintindihan at minabuti kong kunin ang laptop ko at mag log-in. May facebook din naman ako kahit may pagkaloner ako sa buhay noh.

Sinubukan kong isearch ang pangalan ni Ehan. Ang daming lumabas. May mga Cano, May mga pinoy rin naman, yung iba, jeje yung iba naman may kaya pero wala yung Ehan na nakilala ko. Hindi kaya, wala talaga siyang facebook kasi kapanahunan pa ng Espanyol nung siya ay nabubuhay pa? Antanga mo Jell! Saan mo ba kinukuha yang utak mo? Tsk.

Mahirap ang maging clueless sa paghahanap ng sarili niya lalo na kung pangalan lang niya ang naalala niya. Pinatay ko ang laptop saka nahiga. Nakakapagod mag-isip. Umidlip muna ako sandali, ipapahinga ko lang ang utak ko. Masyadong nagamit eh.

Tumunog ang cellphone ko. Senyales na may nagtext. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinapa ang cellphone ko. Sino kaya to?  Apat lang ang nasa phonebook, at sila lang rin ang may number sa akin. Si Mama, kuya, insan at si Papa na nasa Thailand. Kaya laging walang load eh.

From: Unknown Number

Is this Yhanna Jell? Can you go to this place? #12 Brgy. Sinukuan Street? Badly needed.

Napakunot naman ang noo ko. Ano nanaman to? Tsaka, paano niya nakuha ang numero ko? Pupunta ba ako? Baka mamaya, kikidnapin lang ako nito o di kaya maraming rapist dito. Pinagloloko lang ata ako neto eh.

Sinubukan kong tawagan ang numero ngunit di na ito makontak dahil wala pala akong load. Nag redeem ako para may magamit ngunit out of reach na ang nagmamay-ari ng  numero. Kinakabahan ako dito ah! Anong gagawin ko?

“Kinakabahan ka ata? Payag ka na?” Nabigla ako nang may magsalita sa gilid ko. Si Ehan. May lahi ba tong kabute? Kabute sa umaga, bula sa gabi. Kung gaano kasi siya pabigla sumulpot ay ganun din siya kabigla mawala. Tsk. Saan kaya to galing? Tsaka mukhang okay na siya ah?

“Wow ah? Ilang minuto lang ang binigay mo sa akin eh. Mamaya na yun, Eh ano kasi eh.. oh” Pinakita ko sa kanya ang text message. “Anong gagawin ko?..” Tanong ko pa. Napahawak ito sa baba niya na tila nag-iisip. “Okay. Aasahan ko sagot mo mamaya. Tara?” Aniya. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nag-iisip ba'to? “A-anong ‘tara’?” Naguguluhang tanong ko.

“Tara! Let's go, taralets. Matagal pa bago lumubog ang araw. Let's have an adventure!” Aniya na sumusuntok pa sa hangin. Loko to ah? “Nag-iisip ka ba ah? Paano kung delikado? Paano kung kikidnapin ako? Paano kung marape ako? Ha? May magagawa ka?” Mabilis ang pag sasalita ko kaya sa huli ay naghabol ako ng hininga.

Hinawakan niya ang balikat ko. “Enjoy your life while you can. Don't be afraid to discover something new, maybe it's a blessing in disguise? Who knows? Things won't happen if there's no reason.” Aniya. Lalim naman nun. Saan niya hinugot yun?

“Pero... I'm scared.” Saad ko pa saka yumuko. Nginitian niya ako. “Meron kang ako, anong problema?.” Aniya. Tinignan ko siya ng di makapaniwala. Ano bang pinagsasasabi nito? “Eh ano ngayon? Anong magagawa mo?” Nakataas ang kanang kilay ko habang sinasabi iyon.

Ngumisi naman ito na nakakagwapo sa kanya. “You don't know me. I might become your guardian. Kasi ako ang nagsabing pupunta tayo dun kaya, reaponsibilidad ko ang kaligtasan mo. Okay. Don't worry, di kita pababayaan. Tsaka, aliw na rin. Andami kong problema eh. Please.” Aniya.  Wala na akong maisagot.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko na tila nagsasabing suko na ako.

“Magbibihis lang ako, wag kang maninilip. Kahit multo ka, nakikita kita.” Saad ko saka dinala sa banyo ang mga damit na susuotin ko. “Mukha ba akong mamboboso?” Aniya sa di makapaniwalang boses. Kahit nasa loob ako ng banyo ay dinig na dinig ko ang boses niya. “Ikaw na mismo ang nagsabing di kita kilala di ba? Who knows?” Sagot ko naman.

Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako ng banyo saka kinuha ko ang string bag kong black. Dito ko nilagay ang mga gamit ko, isang pack ang chips, cellphone, flashlight, tubig, powerbank tsaka pitaka and my dagger na always kong dala dahil baka may danger. Maong shorts ang suot ko na pinaresan ko ng puting t-shirt at rubber shoes.

“Tara? Pinaghandaan talaga eh.” Aniya. Mahirap na noh, yoko ko magutom. “Adventure na’to!” dugtong pa niya. Napakunot naman ang noo ko. “Paano ka nakakasigurong adventure to?” Tanong ko. Nagkibit balikat naman ito bago sumagot. “Wala lang. Tara na kasi.” Hinila na niya ako palabas.

Bakit parang umuurong ang sikmura ko sa lakad na’to? Tama ba ‘to? Kinakabahan ako.

To be continue..

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon