Chapter 43

326 35 11
                                    

“Maayos na ang kanyang kalagayan, wala na tayong dapat ipagalala. Antayin nalang natin siyang magising.”

“Salamat, Doc.”

Ang sakit. May kumikirot sa bandang tyan ko. Ano 'to? Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. “A-aray.” Usal ko pa nang maramdaman kong kumikirot talaga ito.

“Gising kana!”

Kinusot-kusot ko ang mata ko. Naaninag ko si Jezreel na papalapit sa akin. Binigyan niya ako ng yakap kaya napangiwi ako. Medyo di pa rin okay ang pakiramdam ko.

“Jez. Ikaw pala.” Saad ko pa saka napangiti. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Jeriche, at si Mama. Asan si kuya?

“Sumama sa pulis ang kuya mo.” Na gets ata ni Mama ang tingin ko kaya niya nasabi iyon. Tumango naman ako.

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwalang nangyari nanaman ang isang bangungot sa buhay ko. Dumarami na ang peklat ko dahil sa mga sugat na natatamo kada araw na may tutulungan ako o ano. Bwesit na yan.

“Jeriche? Anong ginagawa mo dito?” Kunot noong tanong ko pa. Nakapagtataka lang na nandito siya e.

“Babantayan kita. Baka balikan ka pa ng mga nanakit sayo.” Aniya saka ngumiti nang napakabright. Para talaga siyang model ng toothpaste.

Nahuli kaya 'yong mga nanakit sa akin?

Asan kaya si Alyana? Alam na ba niya? Nakatawid na kaya siya sa liwanag? Eh, nakilala na kung sino ang pumatay sa kanya e. Yung mga gagong, papanget na yun.

Pero anong rason? Sino yung dapat pinatay na nila sa ospital? Ba't importanteng walang makarinig doon? Ba't handa silang pumapatay kahit babae dahil lang sa narinig nila ang usapang iyon? Ba't nila papatayin yung target nila?

Anong rason sa lahat ng ito?! Gulong-gulong na ako.

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa pananakit nito. Agad na lumapit si Jeriche at kinapa ito. “Ayos ka lang?” Tanong pa niya. Kumuha siya ng isang basong tubig mula sa pitsel at iniabot ito sa akin. Tinanggap ko ito at uminom.

“Kayo ah? Parang may sumasomething sa inyo.” Saad ni Jez kaya muntik na akong masamid. “Anong bang pinagsasabi mo jan Jez?” Taeng babaeng to, maissue. Para binigyan lang ng tubig e.

“Sus Jell.” Aniya at kumain ng apple saka tinignan ako ng mapanuyang tingin.

“Ako lang ang may something para sa kanya, pero siya wala.” Nagulat ako sa biglang sabat ni Jeriche. Taeng to, di naman kinakausap e. “Masyado kayong dalawa jan. Nakakabitter tuloy.” Biro pa ni Jez.

Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa. Inilibot ko ulit ang mata ko sa paligid. Nasa ospital nanaman ako. Si mama, nag-aasikaso nanaman ng makakain. Nandito nanaman si Jeriche at Jez para dalawin ako. Si kuya nasa mga pulis nanaman.

Pero bakit parang may kulang? Parang may hinahanap ang puso ko para maging okay? Ba't parang may iba akong gustong kausapin? Alam kaya niya?

Sana, nabalitaan man lang niya na nandito ako. Kahit na di na siya dumalaw, basta alam niya. Masaya na ako doon.

Napabuntong hininga nalang ako at humiga. Nakakawalang gana lang kasi. Imposibleng dadalaw siya ngayon, di tulad ng dati.

May mga bagay talaga na di na pwedeng mangyari ulit gaya ng dati.

Teka lang? Nasaan yung gamit ko? Yung notebook? Yung spag? Nako naman.

“Ma? May gamit ba ako nung nahanap ako? Sino ba nakahanap sa akin?” Tanong ko pa kay Mama. Kanina pa ako gising e di ko naman pala kilala sino nagdala sa akin dito.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon