Chapter 23

2.7K 114 24
                                    

“Kailangan ko'y ikaaaawww...”

Nakasimangot akong naglalakad tungo sa scooter ko. Rinding-rindi na ako sa kumakantang multo eh. Ang ingay!  “Hoy. Kung gusto mong samahan pa kita tumigil ka sa pagkanta. ” Irita ko pang sabi sa kanya.

Napakamot siya ng ulo.

“Baket? Masaya lang naman ako ah, kaya ako kumakanta. ” Depensa niya. Mahirap pala to pag masaya eh. Kumakanta. “Masaya?” Kunot noong tanong ko pa bago sumakay sa scooter. “Oo. Kasi mas pinili mo ang kaligayahan ko kesa sa kaligayahang matatanggap mo kung sumama ka sa kanila. Lalo pa't kasama mo yung lalaking gusto mo. ” Aniya. Napatahimik ako.

Lalim nun ah? Kahit ako di ko alam kung bakit di ako sumama kina kuya.

Ngumiti ako ng alanganin. “Ahh. Hehe. Tara na. ” Saad ko pa. Sumakay na siya kaya naman ay pinaharurot ko na ang scooter ko. Naiwan sila kuya dahil nauna na akong lumabas mahirap na baka marami namang tanong akong sasagutin sa tsismoso kong kuya.

Ramdam kong nakahawak ng mahigpit si Ehan sa akin. Tsansing ah? “Jell. Dahan-dahan lang. Di naman tayo nagmamadali. ” Aniya. Ramdam ang panginginig ng boses niya dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. Natawa ako ng mahina at kalaunan ay soft na ang ginawa kong pagpapatakbo ng scooter. Mahirap na, baka liparin pa siya neto.

Since, halos nalibot na namin ang mga sementeryo ay naisipan kong lamay nalang ang pupuntahan namin. Tutal, maraming malalapit naman siguto.

Nagpagasolina nanaman ako ulit dahil mahaba-habang road trip ang mangyayari ngayong araw na to. Psh.

“Saan tayo Jell?” Dinig kong tanong ni Ehan mula sa likuran ko. “Lamay. ” Saad ko. “Lamay?” Bakas ang pagtataka sa boses niya. “Malay mo pinaglalamayan ka palang. ” Saad ko naman.

“Huwaw? Mahigit dalawang taong lamayan ba ang ganap?” Sarkastiko niyang sabi. Multong ‘to. Siya naa nga ang tinutulungan, panay reklamo pa. “Basta. Wala mawawala pag sinubukan.” Saad ko pa. Rinig ko naman ang buntong hininga nito at di na siya muli pang umimik.

Sa gitna ng pagbiya-biyahe namin ay may nadaanan kaming maraming taong nagsusugal kaya naman napapreno akong bigla. Lamay! Agad kong tinahak ang daan tungo dun. May trapal kasing kulay asul at sa ibaba nito ay maraming nagsusugal. Malamang, may lamay talaga.

Ipinark ko ang scooter ko sa tapat nung bahay na may lamay. “Tara dun. ” Saad ko pa kay Ehan saka naglakad patungo dun sa may lamayan. Malayo pa lang ay nakita kong pinagtitinginan na ako ng tao. Why? Dahil ba kyut ako? Psh. Sinilip ko ang litrato nung namatay at napahinto ako. Hindi ko gaanong maklaro eh.

Nung medyo malapit na ako ay nakita kong hindi si Ehan yun kaya agad akong tumalikod. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay may humatak na sa akin papasok ng bahay.

What the?

Isang matandang babae ang humila sa akin. Di ko naman to kilala eh.

Nagulat ako nung iniharap niya ako sa kanya at mas ikinagulat ko ay ‘yong pag sampal niya sa akin. Agad kong hinawakan ang pisngi ko. “Watda?!” Inis ko pang baling. Sinampal niya ako ng sobrang lutong!

“Anong ginagawa mo dito?” Madiin niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko. Magsasalita na sana ako ngunit pinabaunan niya pa ako ng isa pang sampal. Anong nangyari dito sa aleng to?

Konteng-konte nalang iiyak na talaga ako. “Walang hiya kaaa! Pinatay mo ang anak ko. Hayop ka!” Sigaw niya pa at pinagpapalo na ako. “Aray!” Daing ko pa. Gustong-gusto ko siyang tadyakan at bawian pero hinde pwede. Matanda na siya eh.

Nasaan na kasi si Ehan? 

Biglang may dumating na dalawang lalaki at hinila yung matandang babaeng sigaw nang sigaw na pinatay ko raw ang anak niya. “Miss, patawad. Umalis ka na. Di na maayos ang pag-iisip ni lola. ” Aniya at naglakad na sila palayo sa pwesto ko.

Naiwan tuloy akong nakatulala.

Ano yun?!

“Jell!”

“Uy Jell. Okay ka lang? Huy!” Agad akong natauhan nung pumalakpak sa pagmumukha ko si Ehan. “Ha?” Usal ko pa. May sinabi ba siya?

Hinawakan niya ang braso ko at hinila sa pwesto kung saan nakalagay ang scooter ko. “Ayos ka lang ba? Ba't nakatulala ka pa dun? Tara na. Di naman ako yun eh.” Aniya. Oo nga pala, may pakay nga pala kami kanina. Hanapin ang sarili niya.

“Ha? Ah, oo. Tara na sa iba. ” Saad ko at aakmang sasakay na sa scooter ko ngunit pinigilan niya ako. Kunot noo naman akong napatingin sa kanya. Dumapo ang kamay niya sa pisngi ko at hinaplos ito kaya naman napaiwas ako ng tingin.

“Anong nangyare dun? Napano ‘to?” Tanong niya pa. Ngumiti naman ako saka umiling. “May dumapong lamok kaya nasampal ko sarili ko eh.” Saad ko pa ngunit hindi pa rin siya kumbinsido.

“Jell? Ano?! Sumakay ka na. May pupuntahan tayo.” Aniya kaya para di na mapahaba pa ang usapan ay sumakay na ako at nagsimulang magmaneho. Grabe, di pa rin ako maka move on sa nangyari.

Yun ang kauna-unahang beses na masampal ako at ang lupet! Sobrang sakit pala.

Itinuro ni Ehan ang daan at napunta ito sa isang parke. Wala gaanong tao dito at sobrang hangin. Kakaibang parke ito kesa dun sa una naming napuntahan. Naupo kami sa damuhan habang tanaw namin ang malayong ilog.

“Anong ginagawa natin dito? ” Takang tanong ko. Kumunot naman ang noo niya at muling hinaplos ang pisngi ko. “Sino bang may gawa sayo nito? Mumultuhin ko.” Bigla niyang sabi. Tumawa naman ako ng peke.  “Loko. Di naman ‘to masakit eh.” Pagsisinungaling ko pa. Kahit na ang totoo ay namamahid pa rin.

Loko kasing matandang babae yun eh, ang inosente ko nga tas ako pa ang pagbibintangan niya. Buti pa sumama nalang ako kila kuya, di pa siguro ako masampal ng ganto kasakit.

“Seryoso ako Jell.” Saad ni Ehan.  Mababakasan mo ngang seryoso siya mula sa kanyang boses at mga mata. “Seryoso din naman ako ah?” Depensa ko pa ngunit hinde pa rin siya kumbinsido.

“Ayokong nakikitang nasasaktan ka. Masakit sa akin. ”

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon